Kelot dedo

Bandera (Visayas) - - NEWS -

PATAY ang 23-anyos na lalaki na binaril sa Pagadian City kamakalawa ng gabi sa kabila ng ipinapatupad na gun ban para sa Barangay at Sangguniang Kabataan polls.

Kinilala ni Senior Insp. Odessa Yaral ang biktima na si Ramil Looc Tagalog, residente ng Purok Tisa, Brgy. Balintawak.

Sinabi ni Yaral na kasama ni Tagalog ang dalawang iba pa sa Purok Upo Uno, Brgy. Balintawak nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo alas-10:25 ng gabi.

Agad na nagpaputok ang isa sa mga suspek.

Dead on the spot si Tagalog matapos tamaan ng bala sa ulo, ayon sa pulisya.

Samantala, sinabi ni Zamboanga del Sur police director Senior Supt. John Guyguyon na walang kinalaman ang pamamaril sa nakatakdang halalan. —

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.