Lolo na-heat stroke, dedbol

Bandera (Visayas) - - NEWS - —John Roson

PATAY ang 74-anyos na lalaki matapos umanong dumanas ng heat stroke, sa Kawit, Cavite, Lunes ng hapon.

Natagpuan ng kanyang anak si Placido Villanueva, residente ng Isla Noah, Brgy. Pulborista, na nakahandusay sa tabi ng creek sa likod ng isang container yard na malapit sa kanilang tahanan, ayon sa ulat ng Cavite provincial police.

Itinakbo ang matanda sa Binakayan Hospital, ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Hinihinalang dumanas ng heat stroke ang matanda, ngunit ipinasusuri pa ang ng mga awtoridad ang kanyang mga labi para matiyak ang sanhi ng pagkamatay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.