Lola patay sa sunog

Bandera (Visayas) - - NEWS - —John Roson

NASAWI ang 62-anyos na babae nang lamunin ng apoy ang kanyang kubo, sa Sariaya, Quezon, iniulat ng pulisya Martes.

Natagpuan ang mga labi ni Myrna Ramos, may karamdaman umano sa pagiisip, matapos maapula ng mga residente ang apoy, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Nagsimulang masunog ang bahay ni Ramos sa Sitio Palomera, Brgy. Poblacion 6, alas-11:40 ng gabi Linggo.

Dumating ang mga bumbero ala-1:22 ng umaga Lunes, pero naapula na ng mga residente ang apoy.

Lumabas sa imbestigasyon na napabayaang gasera na may sindi ang sanhi ng sunog.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.