Hayop sa yaman (1)

Bandera (Visayas) - - NEWS - Ni Leifbilly Begas

MINSAN talaga kahit na anong pagsusumikap mo ay kinakapos pa rin. Kinukulang pa rin ang kinikita mo at hindi mapagkasya ang iyong suweldo.

Marami ang naghihintay sa suwerte at sana ay tumama ng jackpot sa lotto para guminhawa ang buhay.

Kaya naman napakasuwerte talaga ng mga hayop na pinamanahan ng malaki ng kanilang amo, ayon sa isinulat ni Oliver Taylor sa ListVerse.

Pag nabasa mo ang mga kwento nila ay baka pumasok sa isip mo na bakit hindi ka pa naging aso o pusa? Gunther III at Gunther IV Ipinamana ni Karlotto Liebenstein ang lahat ng kanyang yaman na umaabot sa $65 milyon sa kanyang German shepherd na si Gunther III. Natanggap ni Gunther III ang kanyang mana nang mamatay ang kanyang amo noong 1992.

Nang mamatay si Gunther III, namana ang yaman ng kanyang anak na si Gunther IV.

Mukhang enjoy naman si Gunther IV sa marangyang buhay. Mayroon siyang mansyon sa Italy at Bahamas at bumili ng isa pang mansyon na mayroong walong kuwarto sa Miami. Binili niya ito sa singer actress na si Madonna sa halagang $7.5 milyon.

Siya ang natutulog sa kama kung saan dating natutulog si Madonna.

Patuloy na yumaman si Gunther IV at umaabot na ito ngayon sa $400 milyon.

Mayroon siyang chauffeur na nagmamaneho sa kanyang limousine, at maid at butler na naghihintay ng kanyang kahol.

Siya ay mayroon ding personalized swimming pool para makapagpalamig. Trouble Si Trouble ay isang puting Maltese. At pinamanahan siya ng $12 milyon nang mamatay ng kanyang amo na si Leona Helmsley noong Agosto 2007. Bagamat hindi ibinigay sa kanya ni Helmsley ang lahat ng yaman nito, siya ang nakatanggap ng pinakamalaking hati. Mas malaki pa ang itinabi ni Helmsley para sa paglilinis ng kanyang mausoleum kung saan siya inilibing kasama ang kanyang mister. Naglaan si Helmsley rito ng $3 milyon para masiguro na lilinisan ito palagi. Binigyan ni Helmsley ang kanyang kapatid na si Alvin Rosenthal ng ilang milyon sa kondisyon na aalagaan nito si Trouble. Ang apat na apo ni Helmsley ay nakatanggap ng tig-$5 milyon sa kondisyon na bibisitahin nila ang puntod ng kanilang amakada taon. Wala naman siyang ibinigay sa dalawa niya pang apo. Hindi nagtagal ay nagkaroon ng problema si Trouble nang idemanda siya ng mga kamag-anak ni Helmsley. Sinabi nila sa korte na mayroong problema sa pag-iisip si Helmsley. Dapat ay makatanggap lamang umano ang aso ng $2 milyon. Binigyan ng korte ng tig-$6 milyon ang dalawang apo na walang nakuha. Tommaso Ang kuwento ni Tommaso ay maituturing na from rags to riches story. Minsan sa kanyang buhay ay naging isa siyang pusakal—o pusang kalye. Tapos inampon siya ni Maria Assunta, isang balo na walang anak kaya siya ang naging baby nito.

Nang isulat ni Maria ang kanyang will, ibinigay niya ang kanyang $13 milyong yaman sa pusa.

Sa ilalim ng Italian law, ipinagbabawal ang mga hayop na maging tagapagmana, pero pinapayagan na maging beneficiary ng yaman ang pusa.

Bago mamatay, naghanap si Maria ng animal welfare group na maaaring maging tagapagmana kapalit ng pag-aalaga sa kanyang pusa.

Pero wala siyang makita, kaya ang naging trustee nito ay ang kanyang nurse na si Stefania na nag-aalaga kay Maria. Conchita, Lucia, at April Maria

Naging instant millionaire ang tatlong aso nang pamanahan sila ng $8.3 milyong beach home at $3 milyong trust fund mula sa kanilang amo na si Gail Posner.

Bago pa man mamatay si Posner ay marangya na ang buhay nina Conchita, Lucia, at April Maria.

Mayroon silang sariling staff at linggolinggo ay pumupunta sa spa. Mayroon din silang mga mamahaling kuwintas.

Hindi natuwa si Bret Carr, ang nag-iisang anak ni Posner dahil nakakuha lamang siya ng $1 milyon na mas maliit kumpara sa ipinamana sa mga staff. Umabot sa $27 milyon ang pinaghati-hatian ng mga empleyado ni Posner.

Naghain ng kaso si Bret at sinabi na pinainom ng gamot ng mga staff ang kanyang ina at na-brainwash ito upang ipamana ang kanyang yaman sa mga aso at empleyado. Samantha

Noong 1996, ibinigay ni Sidney Altman, 60, ang malaking bahagi ng kanyang $6 milyon yaman kay Samantha, isang cocker spaniel.

Ang kanyang girlfriend na si Marie Dana ang magsisilbing guardian ni Samantha.

Si Dana ay babayaran ng $600,000 kada taon upang alagaan si Samantha. Pinayagan din siya na tumira sa Benedict Canyon house ng Altman sa California hanggang sa mamatay ang aso.

Kapag namatay na ang aso ay hihinto na rin ang pagbabayad kay Dana at aalis na siya sa bahay.

Ang bahay ay ibebenta at ang mapagbebentahan ay ibibigay sa dalawang animal charity.

Nang mamatay si Altman, ang aso ay 15 taong gulang na. Ang katumbas nito sa tao ay 75 taon kaya alam ni Dana na sandaling panahon na lamang ay mamamatay na ito.

Nagsampa siya ng kaso at humingi ng $2.7 milyon at sinabi na nangako si Altman sa kanya na ito na ang bahala sa kanya kung titira kasama niya sa bahay.

Sinabi ng kanyang abogado na luma na ang will. Ginawa ito noong 1994 kung kailan ilang taon pa lang silang nagsasama ni Dana.

Sa will ay sinabi ni Altman na si Dana ay isang "good friend" at samantalang si Samantha ay kanyang loving companion at primary concern.

Itutuloy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.