Councilor, mister, anak arestado

Bandera (Visayas) - - NEWS - —John Roson

DINAKIP ang co-founder umano ng Parojinog/Kuratong Baleleng group, misis niyang konsehal ng Ozamiz City, at kanilang anak nang maharang ng mga pulis sa checkpoint sa San Fernando City, La Union, Lunes ng hapon.

Nadakip sina Manuelito Francisco, 57; misis niyang si Ozamiz Councilor Rizalina Francisco, 54; at anak nilang si June, na dating nag-resign bilang chairman ng Brgy. San Roque ng lungsod, ani Chief Supt. Romulo Sapitula, direktor ng Ilocos regional police.

Naharang ang tatlo, na sakay ng isang Toyota Innova, sa checkpoint sa Diversion Road, Brgy. Bangcusay.

Itinayo ang checkpoint base sa impormasyong nakalap ng intelligence units na nasa rehiyon ang pamilya Francisco.

Inaresto ang tatlo sa bisa ng warrant na inisyu ni Ozamiz City Regional Trial Court Branch 15 Judge Edmundo Pintac para sa kasong paglabag sa Republic Act 9516 o Law on Explosives.

"Based on our operatives’ investigation report, Manuelito is allegedly a co-founder of the Parojinog/Kuratong Baleleng Group, a group believed to be involved in illegal activities such as robbery, extortion, and illegal drugs, among others," ani Sapitula.

"The family left their home after the death of Mayor Reynaldo Parojinog. They were arrested while travelling to Manila from Ilocos provinces," aniya pa.

Matatandaan na noong Hulyo 30, 2017, napatay si Parojinog, kanyang misis, isang provincial board member, at 12 pa katao sa magkakasunod na raid sa ibaibang bahagi ng Ozamiz.

Noon namang Disyembre 6, 2017 ni-raid din ng mga pulis ang iba pang bahay ng mga Parojinog, mga Francisco, kanilang mga kaanak, at mga kasamahan sa politika.

Di natagpuan sa bahay ang mga Francisco pero nasamsam sa kanilang bahay ang sari-saring mataas na kalibre ng armas, kabilang ang mga grenade launcher at bala ng mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.