Ang kasalukuyan BF na ba ang makakatuluyan? (2)

Bandera (Visayas) - - NEWS -

Sulat mula kay Edcel ng San Vicente, Gumaca, Quezon Problema:

1. May boyfriend po ako sa ngayon at siya na po ang gusto kong mapangasawa. Kaya lang siya ay isang seaman kaya medyo malabo pa na maging kami dahil sabi nya sa akin ay wala pa raw siyang balak mag-asawa dahil nag-iipon pa raw siya at may pinapaaral pa siyang kapatid na college na ngayon. September 5, 1988 ang birthday ko at ang boyfriend ko naman ay January 17, 1984 ang birthday.

2. Gusto ko po sanang malaman kung compatible ba kami? At kung kami na ba ang magkakatuluyan? Ayaw ko na kasing matulad ang relasyon naming ito sa mga dating naging boyfriend ko na bigla na lang nawawala. Siya na ba ang mapapangasawa ko at kapag kami ang nagkatuluyan, magiging maligaya at matagumpay kaya ang bubuuin naming pamilya?

Umaasa, Edcel ng Quezon Solusyon/Analysis: Astrology:

Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) at Capricorn naman ang boyfriend mo, ang nagsasabing compatible kayo, dahil ang Virgo at Capricorn ay may iisang elementong taglay — ang elementong earth o lupa. Ibig sabihin kapag kayo ay nagsama at nagkatuluyan, mabubuo ang isang maunlad at maligayang pamilya. Numerology:

Compatible din ang birth date mong 5 sa birth date na 17 ng boyfriend mo dahil ang 5 ay may planetang Mercury at ang 17 ay may planetang Saturn, kung saan, ang pagsasama ang Saturn at Mercury ay lagi ng tinatayang makabuluhan, masagana at maligaya. Luscher Color Test:

Mapalad naman sa inyong dalawa ang kulay na silver, blue, at dilaw. Ito ang gamitin n’yong kulay sa araw ng inyong kasal, upang matiyak ang isang masagana at maligayang pagmamahalan habang buhay. Huling payo at paalala:

Edcel, ayon sa iyong kapalaran, mga siyam o 10 buwan na lang ang bibilingin, sa susunod na taon, sa buwan ng January o kaya’y February, tuluyan nang mapapawi ang ulap ng iyong pagaalinlangan. Sa nasabing panahon, sa edad mong 31, may isang masaya at mabiyayang kasalang itatala sa inyo ng kasalukuyang boyfriend mo na hahantong sa isang maligaya at pang habambuhay ng pagpapamilya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.