3 detainee tigok sa heat stroke

Bandera (Visayas) - - News - —Liza Soriano

NASAWI ang tatlong detainee sa Pasay city police dahil umano sa heat stroke, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Pasay City General Hospital sina Noel Albetia, 36, ng Brgy. 178, Camarin, Caloocan City; Edwin Moreno, 25, ng Brgy. 156, Zone 16, Tramo Riverside, at Felix Yusores Jr., 33, ng Brgy. 180, Zone 19, Amethyst st., Maricaban, kapwa sa Pasay.

Ayon sa ulat, sabaysabay nawalan ng malay ang tatlo alas-8:40 kamakalawa ng gabi.

Agad na tinawagan ng duty jailer na si PO3 Angelita Aguila ang Pasay City Rescue Team nang makita ang kondisyon ng mga biktima.

Napag-alaman na masikip at mainit ang detention cell kaya nahirapang makahinga ng mga preso.

Nasa 30 detainees lamang ang kapasidad ng kulungan pero aabot sa 82 ang nakakulong doon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.