Mocha lalamunin mga salita kung...

Bandera (Visayas) - - News - —Leifbilly Begas

LALAMUNIN umano ng sexy star at blogger na si Mocha Uson ang kanyang sinabi laban sa partylist system kung tatakbo ito bilang representante ng isang partylist group.

Ayon kay ACT Rep. France Castro, matatandaan na nanawagan si Uson noon na buwagin na ang partylist system.

“Kung magpa-PartyList siya, parang kinain na niya or nilamon niya ang kanyang mga pinagsasasabi against the Party-List [system] kasi nga sinabi niya noon na walang kwenta ang Party-List, dapat buwagan na yan,” ani Castro.

Sinabi ni Uson na tatakbo siya sa 2019 elections matapos niyang magbitiw bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office.

Napabalita na si Uson ay kakatawan sa isang partylist group na may kaugnayan sa overseas Filipino workers.

Maraming partylist group ay iniuugnay sa komunistang grupo na binabatikos ni Pangulong Duterte.

Pahayag naman ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus kay Uson: “Good luck na lang sa kanya.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.