Max Collins, Pancho Magno na-delay ang honeymoon sa Italy

Bandera (Visayas) - - News -

Dadayo sa Italy ang mag-asawang Pancho Magno at Max Collins para mag-honeymoon kapag lumuwag na ang kanilang schedule.

Lagi raw kasing bitin ang bakasyon nila kaya gusto nilang mas mahaba-haba ito this time.

“Lagi kasing after ng bakasyon, susunduin kami sa airport, diretso ng taping. Hindi kami mabigyan ng mahabang bakasyon. Laging bitin!” saad ni Pancho nang makausap ng press sa taping ng Victor Magtanggol.

Pero nagsi-sex naman sila? “Mag-asawa kami eh,” natatawang tugon ng aktor.

One year na sa December bilang mag-asawa sina Max at Pancho. May adjustments pa rin pero siya ang tagaluto habang si Max ang nagaayos ng mga plato sa mesa.

Pero pagdating sa pagtanggap ng roles, may restrictions na sila sa isa’t isa.

“Lahat naman siguro kapag kasal ka na, may limitations na. Siya rin naman ang may ayaw na ng kissing scenes. May mga eksena rin kasi minsan. Kahit naman ako, kahit sa lalaki. May eksena rin naman ako na hindi ginagawa,” paliwanag ni Pancho.

MAX COLLINS AT PANCHO MAGNO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.