3 utak sa ex-councilor slay timbog

Bandera (Visayas) - - News - Ni John Roson

ARESTADO ang tatlo kataong nasa likod umano ng pagpatay sa isang dating konsehal sa Sta. Rita, Pampanga, iniulat ng pulisya Sabado.

Nakilala ang biktima bilang si Mario De Ausen, 58, residente ng Brgy. San Matias, ayon sa ulat ng Central Luzon regional police.

Pinagbabaril si De Ausen alas-6 ng gabi Miyerkules, habang sakay ng kanyang sports utility vehicle at nag-aabang na pagbuksan ng gate ng kanyang bahay, ayon sa ulat.

Agad tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo matapos ang insidente, ngunit nadakip sa hot pursuit operation ng pulisya, wala pa 24 oras matapos ang pagpatay, sabi ni Supt. Fe Grenas, tagapagsalita ng regional police.

Sinampahan na ng kasong murder ang mga naaresto, na nakilala bilang sina Gilbert Aurelio, Angelo Aurelio, at Albert Abletes alyas "Boss," aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.