Amok tigok sa parak

Bandera (Visayas) - - News - —Liza Soriano

BINARIL at napatay ng mga pulis ang lalaki na nanghabol ng saksak kahapon ng umaga sa Makati City.

Dead on the spot ang suspek, na inilarawan na nasa pagitan ng 30 at 35 anyos, nakasuot ng kulay blue t-shirt, maong pants at rubber shoes ng kulay asul, dahil sa dalawang tama ng bala sa katawan. Ala-7 ng umaga ay nakatanggap ng tawag ang mga pulis ukol sa lalaking may bitbit ng icepick at naghahamon ng away sa Brgy. San Isidro. Nakasalubong ng mga rumespondeng pulis ang suspek na imbes na sumuko ay sinugod pa umano sila. Bumulagta ang suspek nang barilin ng mga pulis. Ayon sa mga saksi, bago nagwala ay nakitang may kausap sa cellphone ang lalaki. Iang saglit lang ay bigla na lamang nitong ibinato ang telepono saka iniumpog ang ulo sa pader. Hindi umano kilala sa lugar ang lalaki at posibleng napadpad lamang ito doon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.