Bata inutusan ng esperetista na magnakaw

Bandera (Visayas) - - News -

CALIFORNIA, USA— Isang babae na nagpanggap na psychic ang nakakumbinsi sa 12anyos na batang babae na nakawin ang mga alahas ng kanyang pamilya at itapon ito sa isang palayok upang masiyahan ang masamang espiritu at matanggal ang sumpa sa kanya.

Si Jackeline Lopez, 42, ng Palmdale, ay naaresto matapos na matuklasan sa imbestigasyon ang kanyang ginawa. Siya ay nakapagpiyansa sa kasong extortion.

Sa pagsisiyasat ay nalaman na si Lopez ay ina ng classmate ng hindi pinangalanang biktima.

Ayon kay Detective Luan Dang, napaniwala ni Lopez na mayroong masamang espiritu na sumumpa sa bata upang malasin ang buhay nito.

Upang mawala ang sumpa ay inutusan niya ang bata na kumuha ng mga alahas at ihagis ito sa isang bakal na palayok.

Dinala ng bata ang mga alahas sa garahe ng bahay ni Lopez at sa loob ay puno ng mga kandila, mga guhit ng chalk sa sahig at replica ng bungo ng tao.

"She had it set up Hollywood-style,” ani Deputy Aaron St. George.

Makailang beses na nakapagtapon ng mga unique at antique jewelry ang bata bago napansin ng kanyang mga magulang na mayroong kakaiba sa mga ikinikilos nito.

"The girl was scared and came out with the truth and that's when we were called," ani Dang.

Tatlo sa mga alahas ang nakuha sa pawnshop at pinaghahanap ng pulisya ang isang lalaki na siya ng bumili sa mga nakasanglang alahas.

Bago ito, si Lopez ay nakalaya matapos mabigyan ng probation dahil sa kasong petty theft.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.