Sofia Andres mukhang Hollywood actor ang bagong dyowa

Bandera (Visayas) - - News -

Buong ningning at walang kagatol-gatol na inamin ni Aga Muhlach na posibleng ma-in love siya sa isang Bea Alonzo.

“Oo naman. Kung binata ako at dalaga siya, oo naman. Sino ba ang hindi mai-in love diyan. Kahit may age now, hindi naman ako matanda, nagkaedad lang ako pero hindi ako matanda.

“Even her age now, and my age now, wala akong asawa, wala siyang boyfriend, kami,” say ni Aga sa presscon ng movie nila ni Bea na "First Love."

When asked to describe Bea, the actor said, “Ito si Bea, ito si Bea. Puwede kong sabihin na may mga kulingling kami sa likod pero normal kami. Kahit na ano’ng nangyari sa buhay namin, nakaapak kami sa lupa. Alam namin ang trabaho, alam namin ang kasikatan, alam namin ang kayamanan, alam namin ang kahirapan pero nandito lang kami.

"Si Bea, ‘yung pagkatao niya, ‘yung concern niya sa iyo totoo siya parati. Wala siyang tinatawag na parang showbiz. Hindi siya artista, hindi siya umaarte, tunay siya. Pero kapag nasa camera siyamatutuo ka talaga, magaling. Mataas ang expectation ko talaga sa 'yo,” he added.

Ayaw nang gumawa ng romance movie ni Aga but he canot refuse a film with Bea.

“Taun-taon na may gagawin akong pelikula it is always the best. I always give it my best. Kaya nga hindi ako gumagawa ng dalawang pelikula sa isang taon. It’s once a year or once every two years. Malaking pelikula sa akin ito because hindi na ako dapat gagawa ng love story. Feeling ko I wanted to do iba-iba .

"Okay lang naman sa akin and then this came along. It was a big challenge for me. While we were filming, ‘yung process ng paggawa ng pelikula, meron akong takot na parang ‘I hope it works’. Until we started filming. I knew already na this is it. This is the movie na sinabi ko na I can’t wait for everyone to see. Just to share our experience.

"I’m 49 years old, I’ve been in the industry for 35 years and you give me this chance to perform, to do a love story at this point in time with her generation is really…there’s so much gratitude there,” Aga said.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.