Jinggoy kay JV: Estrada ako, because I am my father’s son!

Bandera (Visayas) - - News -

Mabuti naman at napagisip-isip ni Senator JV Ejercito na tantanan na ang pakikipag-away sa kanyang kapatid na si dating Senador Jinggoy Estrada.

Naamoy na siguro ng senador ang hindi kagandahang imaheng ipinipinta tungkol sa kanya ngayon ng ating mga kababayan. Paringgan ba ang kanyang kapatid sa mga interbyu?

Sabihin ba naman nitong masamang-masama ang

kanyang loob kay PangulongMayor Joseph Estrada dahil hindi na nga raw ito tumu long sa kanyang kandidatura nu’ng nakaraang eleksiyon ay pumayag pa ang kanyang tatay na sabay silang kuman didato sa darating na halalan sa ilalim ng isang partido lang?

Agarang nakatikim ng mga pamba-bash ang may kaangasang senador, sinabiutang han itong walang utang na loob ng ating mga kababayan, dahil sa pangalang-pangalan pa nga lang namang dinadala

nito ay napakalaking tulong na sa kanyang kampanya ng dating pangulo.

Suwabe lang naman ang reaksiyon ni dating Senador Jinggoy sa mga iniaangal ng kanyang kapatid sa ama. Mas mahalaga para sa senador ang pag-iikot sa buong bansa kesa sa sagutin pa ang mga reklamo ng kanyang kapatid.

Sa reklamo ni Senator JV na Ejercito ang gamit nito at hindi Estrada ay isa lang ang makahulugang sagot ni Senador Jinggoy, “Estrada na ang ginagamit ko mula pa nu’ng tumakbo akong vicemayor. Estrada na talaga, because I am my father’s son!”

Estrada na rin daw ang gagamitin ngayon ni Senator JV na lumipat na ng partido. Pero wala pa rin itong bentahe sa kanyang kapatid dahil “inampon” ng iba-ibang partido si Senador Jinggoy Estrada, mataas ang kanyang numero sa survey, kumpara sa maangal na senador na sabi nga ng aming partner na si Wendell Alvarez sa "CFM" ay nasa page 2.

JV EJERCITO AT JINGGOY ESTRAD

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.