10 ‘budol’ tiklo

Bandera (Visayas) - - News - —Liza Soriano

NASAKOTE ng mga tauhan ng Makati police ang 10 miyembro umano ng budol-budol gang na tinangkang biktimahin ng matanda sa siyudad, kamakalawa.

Positibong kinilala ni Puratoryo Catalina, 70, ng Lumayan st., Sta. Ana, Maynila ang mga manggogoyo sa kanya na sina Angelita Nato, 52; Mabelle Lopez, 42; Elenita Alba, 58; Analyn Perez, 43; Marie Cablo, 37; Linda Marquez, 44; Adelmo Ranas, 58; Ramon Bertuldo, 51; Jerry Apao, 59, at Edgar Yabut, 60. Ayon sa pulisya, nilapitan ng mga kawatan ang biktima sa Plaza Drive sa Powerpoint Mall, Rockwell, Brgy. Poblacion, pero naispatan ng sekyu na tumawag ng pulis. Agad nagpulasan ang mga suspek nang makita ang mga alagad ng batas. Nadakip ang 10 matapos ang habulan. Nakuha mula sa mga suspek ang budol money, balisong, alahas, cellphone, kulay puting Isuzu Trooper (XBP-109) at Toyota Revo (WLH-369). Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong swidlingat estafa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.