Mar nagulat sa 'endorsement' ni Du30

Bandera (Visayas) - - News - —Leifbilly Begas

HINDI makapaniwala si dating Sen. Mar Roxas sa sinabi ni Pangulong Duterte na dapat siyang iboto sa May 2019 elections.

“Totoo ba yan? Kasi wala akong personal knowledge,” ani Roxas na dati ring kalihim ng Department of Interior and Local Government.

Sa kanyang talumpati sa Boracay, sinabi ni Duterte na iboto si Roxas para malaman kung may magagawa ito laban sa ipinagbabawal na gamot.

“Vote for Roxas, Ilonggo e. Iboto ninyo, walang problema ‘yan,” ani Duterte. “Tatakbo siguro ‘yan si Roxas uli e. Sige why don’t you try para makita ninyo. You can only measure a man’s stamina for doing a particular activity for his fellowmen.”

Sinabi ni Roxas na kung totoo ang balita ay nagpapasalamat siya sa Pangulo.

Ayon kay Roxas, hindi siya nagdesisyon na tumakbo sa 2019 midterm elections para sirain ang gobyerno kundi para maging bahagi ng solusyon sa mga problema ng bansa. “Katulad ng sinabi ko, tumatakbo ako para sa Senado hindi bilang Round 2 ng 2016, kundi para makatulong lutasin mga problemang hinaharap ng mga Pilipino. Malinaw naman sa akin: there’s no reason why Filipinos should not progress. I want to go back to public service so I can help with this," aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.