OPINYON KO ‘TO

Bandera (Visayas) - - News -

Huwag nyo ng iboto ang mga pulpul na maraming kuda at wala namang nagawa. Kilala nyo kung sino sila. Kaya kung ako sa inyo iwasan silang ilagay uli sa pwesto .... 6428

Seryoso bang tatakbo pa si Enrile? Oo alam ko utak dapat ang puhunan pero masyado na siyang matanda. Bakit hindi na lang siya magpahinga? Ilang taon na lang ay mag-100 years old na siya. Ayaw nya bang mag-retire? Bakit kulang pa ba ang kayamanan nya? ..... 4167

Asan na yung mga nagsasabing hindi na kaya ni presidente? Tignan nyo naman ang lakas pa nya. Huwag nyo kasing ibase dun sa itsura nya. Mukha lang siyang kulang sa tulog dahil marami siyang ginagawa bilang presidente. —Jun Salvador III, 56, Quezon City .... 4193

Hindi ko sure kung matatapos ni Pangulo ang kanyang termino. Kasi parang lagi siyang pagod. Kung magpapatuloy yan ay maaapektuhan ng tuluyan ang kanyang health. Kaya sana hinay hinay na lang s a m g a .... 2576

Good day Bandera sa tingin ko di matatapos ni duterte ang termino nya dahil maski di nya aminin may malubhang sakit na iniinda si dudirty at malapit na siya sunduin ni lucifer. –Joncords, Davao .... 2150

Sa tingin ko po matatapos ni Pangulong Duterte ang kanyang termino. Di siya pababayaan ng Panginoong Diyos na mawala agad dahil sa kanyang mga nagawang kabutihan - corruption, drugs. NPA, war sa Marawi at ISIS at marami pang iba na kahit di pa nalulutas lahat ni Digong ang mga problema, alam naman nating lahat kung paano at gaano niya sinisikap malutas ang lahat ng problema sa ating bansang Pilipinas pati na mga Pilipino at Pilipina na nasa ibang bansa. Thank you. NRC VIrgo St. GSIS Subd. –Matina, Davao City .... 6215

Si pangulong du30 ang alam kong pangulo na hindi takot mawala ang katungkulan mapagsilbihan lamang ang bayan at mamamayan, ayon sa inaakala nyang g i n agawa

ipektebong paraan. subalit dhil sa batas na nagbibigay ng maluwag na kalayaan sa bawat mamamayan. may mga karapatan hindi nararapat na naging hadlang sa kanyang adhikain. napakahalaga para sa atin mamamayan ang maibigay ang malaya nating karapatan. ngunit madalas ay nakakaligtaan natin ibigay ang karapatan ng bayan para sa atin. kaya ang "red october" ay posebling magkatotoo, kung ang makararami na tatalikod sa karapan ng bansa. –Kennedy B. Wahalon, Cotabato City .... 9021

Ano kaya tong si Mocha bakit pa siya tatakbo. Alam na ng mga Pilipino kung hanggang saan ang kakayanan nya at hindi ito pang government official. Siguro kung magaral pa siya ng isang taon kaya na pero as of now wala siyang

masyadong maiaambag sa bansa bilang isang opisyal ng gobyerno. Huwag na lang kasi nyang ipilit. Marami pa siyang pwedeng gawing iba .... 5142

Grabe namang suporta ang binibigay ng pangulo kay Bong Go. Maaari ngang siya ay magaling para sa pangulo pero wala pa akong nakikitang kagalingan sa kanya bilang isang public servant. Ang mga ginagawa nya ngayon ay para lang sa pangulo kaya hindi ko pa sigurado na karapat-dapat siyang maging isang Senador ..... 6699

Opinyon ko lang po Bandera, tingin ko hindi dapat maliitin ang mga ating pangulo. Kayang kaya nya ang kung ano mang sakit ang dumapo sa kanya. Makikita nyo magugulat na lang tayo natapos nya na ang termino nya at marami tayong ipagpapasalamat dahil marami siyang nagawa

para sa atin. Salamat po. —Anisa Salc e d o , P a n g a s inan .... 5168

Sana sa pag-dating ng eleksyon na ito ay maging isang biyaya ito sa atin at hindi maging balakid. Sana ang mga susunod na mauupo ay maisip naman tayong mga mamamayan. Sana yung mga pangako nila ay magawa nila. Sana. Yan ang hiling ko. Salamat Bandera! .... 6195

Politicians should not be addicts. Dapat talagang may drug test laban sa mga tatakbong mga addict. Dahil kung sila mismo lulong sa droga paano nila lalabanan ito? Baka sila pa ang maging protektor nito kung sakali. Kung ang ka-pulisan pinag iigting ang laban kontra droga sa kanilang hanay, ganun din dapat sa iba pang ahensya ng gobyerno .... 2577 All rights reserved.

Except as permitted by law, no part of Bandera may be reproduced or distributed in any form or by any means stored in a database or retrieval system without its prior written permission.

Manila office: MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City, Metro Manila • Mindanao Advertising & Circulation Office: Door-1, Mandaya Arcade, Palma Gil St., Davao City

Tel. No: (082) 327-0583

Editorial: (02) 895-7513 • (02) 895-7529 • newscolumn@bandera.ph Advertising: (02) 895-1510 •(02) 895-1467 • telefax: (02) 897-3663 Circulation office: Unit F202 Velco Centre Bldg., A.C. Delgado cor. R.S. Oca Sts., South Harbour, Manila • (02) 523-5570 • (02) 516-2113 Subscription Hotline: (02) 890-2351

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.