ABS-CBN TV Studio Experience wagi sa Asia Pacific ‘Silver Quill Award’

Bandera (Visayas) - - News -

Si Tawag Ng Tanghalan hurado Rey Valera kasama ang studio audience

MULING kinilala ang ABSCBN “Wow At Saya” TV studio experience program, na layuning bigyan ng mala-red carpet treatment ang viewers na nanonood ng Kapamilya shows ng live sa TV studios, ng prestihiyosong Silver Quill Award mula sa International Association of Business Communicators (IABC) Asia Pacific sa Melbourne, Australia.

Nagsisimula ang “Wow At Saya” experience ng studio audience members sa pag-book

Si Robi Domingo kasama ang dalawang loyal Kapamilya nila ng slots online sa Kapamilya Tickets (ktx.abs-cbn.com). Kapag nakakuha na ng slots at nakapili ng schedule, pinangungunahan ng Studio Tour guides ang mainit na pagtanggap sa studio audience members para maging masaya ang kanilang pagbisita sa ABSCBN.

Ito ang pangalawang international award ng ABSCBN “Wow At Saya” pagkatapos nitong masungkit ang isang Gold Quill Award of Excellence sa International Association of Business Communicators (IABC) Gold Quill Awards noong Hunyo sa Montreal, Canada.

Noong 2017, nanalo rin ang “Wow at Saya” sa customer relations category ng Philippine Quill Awards na kumikilala sa pinakamahusay na business communications programs at campaigns sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.