Nanghipo sa bus, kelot himas-rehas

Bandera (Visayas) - - News -

SWAK sa kulungan ang 25-anyos na lalaki na nangmolestiya ng Grade 11 student sa loob ng bus.

Sa salaysay ng 16anyos na biktima na residente ng Caloocan City, pauwi na siya at sumakay ng bus sa SM North EDSA alas-4:30 ng hapon ng Huwebes. Umupo siya sa tabi ng suspek na nakilalang si Mark Leal ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City. Sa patuloyna pagkukuwento ng dalagita, unang hinawakan ng suspek ang kanyang braso at nang nagtulugtulugan siya ay hinimas na ang kanyang dibdib. Kasunod nito, ikiniskis pa umano ni Leal ang hita nito sa hita ng biktima. Sa tagpong ito, nagpasaklolo na ang biktima at ipinaaresto si Leal sa mga nagpapapatrulyang pulis. Nahaharap ngayon sa kasong acts of lasciviousness alinsunod sa Child AbuseLawsi Leal.—Radyo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.