Joy landslide sa QC—survey

Bandera (Visayas) - - News -

KUNG gagawin ngayon ang halalan para sa pagka-alkalde ng Quezon City, malaki ang magiging lamang ni Vice Mayor Joy Belmonte sa kanyang mga kalaban, ayon sa survey ng Publicus Asia.

Ayon kay Malou Tiquia, CEO ng Publicus Asia, nakakuha si Belmonte ng 59 porsyento samantalang si Bingbong Crisologo ay may 17 porsyento habang dalawang porsyento lamang ang natira kay Chuck Mathay. Kamakailan ay inendorso ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kandidatura ni Belmonte habang binigyan naman siya ng Presidential blessing ni Pangulong Duterte. Inaasahan din ang boto ng Iglesia Ni Cristo para kay Belmonte. Sa pagka-bise alkalde, nangunguna si Gian Sotto, ang runningmate ni Belmonte, na nakakuha ng 42 porsyento na sinundan ni Jopet Sison (15 porsyento) at Roderick Paulate (13 porsyento). Ginawa ang survey noong Nob. 16-20 at kinuha ang opinyon ng 1,800 respondents.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.