6 adik naaktuhan

Bandera (Visayas) - - News - —Liza Soriano

ANIM katao, kabilang ang tatlong babae, ang dinakip nang maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu kamakalawa sa Makati City.

Kinilala ni Senior Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati police, ang mga suspek na sina Jerick Soriano, 21; Neil Quiquiles, 33; Arthur Posadas, 40; Michelle Bonito, 30; Lady Lee Pidlaoan, 21, at Kate Bernadeth Rivera, 22, mga residente ng Malvar st., Brgy. Bangkal. Sinalakay ng mga pulis ang pinupwestuhan ng mga suspek makaraang makatanggap ng ulat ukol sa mga aktibidad ng grupo. Nakuha mula sa mga suspek ang ilang plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.