CPP nagdeklara ng tigil-putukan

Bandera (Visayas) - - News -

NAGDEKLARA ang Communist Party of the Philippinesng pansamantalang unilateral ceasefire para sa Kapaskuhan at sa ika-50 anibersaryo ng CPP.

Sinabi ng CPP na magsisimula ang ceasefire simula hatinggabi ng bisperas ng Pasko, Disyembre 24, hanggang hatinggabi ng Disyembre 26, ang anibersaryo ng CPP.

Muling magiging epektibo ang ceasefire hatinggabi ng Bagong Taon, Disyembre 31 at matatapos hatinggabi ng Enero 1.

“The CPP declares to all commands and units of the New People’s Army and people’s militias a temporary unilateral ceasefire in unity with the Filipino people’s observance of traditional holidays,” sabi ng CPP sa isang pahayag sa kanilang website.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.