29 lugar sa Visayas nasa poll watch list

Bandera (Visayas) - - News -

DALAWAMPU'T siyam na bayan at lungsod sa Central Visayas ang inilagay aa election watch list dahil sa mga insidente ng kaguluhan sa mga ito tuwing halalan.

Sa bilang, 10 ay nasa sa Negros Oriental, pito ay nasa Cebu, anim ay nasa Bohol at anim ay nasa Siquijor.

Sa Cebu, kabilang sa mga EWAs ang Cebu, Mandaue, Lapu-Lapu, at Danao, at ang mga munisipalidad ng Ronda, San Fernando, at Tuburan.

"Except for Tuburan, all EWAs in Cebu were classified as yellow which means the place had previous election-related incidents, and intense political rivalry," ani

Chief Supt. Debold Sinas, director ng Central Visayas police.

Iniligay naman ang Tuburan sa orange category.

Inilagay din sa orange category ang lahat ng EWAs sa Negros Oriental. Kabilang dito ang lungsod ng Guihulngan,

Bais, Siaton, at Canlaon at mga bayan ng Ayungon, Mabinay, Tayasan, Sta. Catalina at Zamboanguita.

Nasa yellow category naman ang mga bayan ng Buenavista, Clarin, Danao, at Pilar sa Negros.

Nasa orange category

naman ang mga bayan ng Tubigon at Inabanga.

Inilagay ang lahat ng EWAs sa Siquijor sa yellow category, kabilang na ang mga bayan ng Enrique Villanueva, Larema, Lazi, Maria, San Juan, at Siquijor.—CDN

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.