REVILLA FAMILY SIGURADONG MASAYA ANG PASKO SA PAGLAYA NI BONG

Bandera (Visayas) - - News -

NAGBUNGA ang panalangin ng Revilla family pati na mga kaibigan at supporters ni Sen. Bong Revilla, Jr. Not guilty ang hatol sa kanya ng Sandiganbayan para sa kasong punder.

Fiesta ang atmosphere sa labas ng Sandiganbayan nang ilabas ang hatol ng korte sa pangunguna ng asawa niyang si Cong. Lani Mercado kasama ang mga anak.

The night before, nanatili sa isang lugar sa Quezon City si Cong. Lani para magdasal at doon na matulog para malapit na siya sa detention center ng Camp Crame.

Siguradong masaya ang Pasko ng mga Revilla sa acquittal ng dating senador at siyempre doble rin ang ligaya ng kaibigan niyang nakalaya na rin, si Sen. Jinggoy Estrada.

“Maraming salamat po!" maikling saad ni Sen. Bong sa verdict sa kanya ng korte.

LANI MERCADO AT BONG REVILLA, JR.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.