Sheena mas maraming taga-showbiz ang imbitado sa kasal

Bandera (Visayas) - - News - BY JUN NARDO

Wala pang napipiling date at venue si Sheena Halili at ang fiancée niyang si Atty. Jeron Manzanero para sa kanilang wedding.

Hindi pa sila decided kung next year o sa 2020 sila magpapakasal pero ngayon pa lang ay inaayos na nila ang ilang details ng gaganaping ceremony.

Nangunguna nga ang kaibigan niyang si Maine Mendoza sa pagiging masaya sa pag-aasawa ng Kapuso actress na mapapanood sa festival entry na "The Girl In The Orange Dress."

Kuwento ni Sheena, “May iilang ninong and ninong na pero wala pa rin kaming definite date and kasi hinahanap ko pa ‘yong perfect venue,” sabi ng Kapuso actress. Gusto niyang personal na imbitahan ang magiging part ng kanyang entourage. “May mga friends na hindi ko na sinasabihan na ‘hoy invited ka.’ Alam na nila sa heart nila na part sila n’on. Pero siyempre, may mga friends ako na gusto ko

imbitahan ng personal, lalo na ang mga ninongs and ninangs," sabi ni Sheena.

Karamihan sa entourage nila ay mula sa showbiz, "Madaming showbiz friends. Maraming friends si Jeron so dapat ko talagang tapatan 'yong entourage."

SHEENA HALILI AT JERON MANZANERO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.