VICE UMAMING INAATAKE PA RIN NG NERBIYOS KAPAG MAY ENTRY SA MMFF

Bandera (Visayas) - - News - BY AMBET NABUS

BATIIN muna namin ng bonggang-bonggang "happy birthday" ang mahal naming patnugot dito sa BANDERA. Talaga namang winner na winner ang peg ng kaibigang

Ervin Santiago sa dami ng blessings ngayong Christmas season! Mahal na mahal ka namin kapatid!

Hindi naman daw natin masisisi si Vice Ganda kung tawagin man siyang "sigurista" ng mga taong involved sa iba pang entries sa 2018 MMFF.

Bukod kasi sa mga leading man niya sa entry niyang "Fantastica" na sina Dingdong

Dantes at Richard Gutierrez, isinahog din niya sa movie ang tatlo sa mga malalakas na loveteams sa bansa. Nandiyan sina Donny

Pangilinan at Kisses Delavin, Ronnie Alonte at Loisa Andalio at Maymay Entrata at Edward Barber. Kasama pa ang paborito niyang sina Ryan Bang at Bela Padilla plus ang award-winning actress na si Jaclyn Jose.

"Actually never ko namang naisip ang ganyan kasi kahit in the past naman, sanay na akong maraming kasamang artista. Siguro mas naging extra special lang ito dahil bukod sa totoong masaya ang experience namin during the shoot, walang matatawag na pasaway o pabida," paliwanang ng Unkabogable Star.

Kinatatakutan man sa box-office ang Vice Ganda starrer, pressured at ninenerbyos pa rin daw siya sa kalalabasan ng entry nila this year. Pero isa lang ang sinisiguro ni Vice, "Hindi masasayang ang pera at oras ninyo. Sure akong mababawasan, hindi man totally mawala ang mga nega bashing sa paligid."

Well, gusto namin itong paniwalaan dahil sa trailer pa lang ay tawa na kami nang tawa. Honestly speaking, kumpara sa mga dati niyang movies, never naming naisip ang madalas sabihin sa mga comedy films na "basurang katatawanan," dahil very positive ang aura ng "Fantastica" para sa amin.

VICE GANDA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.