TRUE BA, MANOY NIREGALUHAN NG BONGGANG KOTSE NI COCO?

‘Pero wala kaming away o tampo sa isa’t isa!’—Eddie

Bandera (Visayas) - - News - BY JULIE BONIFACIO

ITINANGGI ni Eddie Garcia na may tampo siya sa FPJ’s Ang Probinsyano lead actor na si Coco Martin sa ginanap na presscon ng latest film niyang "Rainbow’s Sunset" na isa sa official entries sa 2018 Metro Manila Film Festival.

“Huh? Wala akong tampo sa kanya. Kaibigang-kaibigan ko ‘yun.

Sino ba ang may sabi?” balik-tanong niya sa amin.

When we mentioned to him na galing sa isang source, madiin niya uli itong pinabulaanan. Mabait daw si Coco at matagal na silang magkaibigan, “Never ako nagtampo kay Coco. Ang ganda ng rapport namin, e.”

Ilang taon at TV show na raw ang pinagsamahan nila ni Coco, unang-una ay sa seryeng Juan dela Cruz noong 2013. At may ginawa pa raw silang isang teleserye na pang-Sunday, ang Yamashita’s Treasure ng Wansapantaym.

Napabilib naman kami ni Tito Eddie sa pagiging sharp pa rin ng kanyang memory kahit 89 years old na siya. No wonder, kering-keri pa rin niyang mag-memorize ng kanyang linya sa pelikula at telebisyon.

This year alone, tatlong pelikula ang nagawa niya plus teleserye. Pero nagawa raw niya ang dalawa niyang movies, ang “ML” na entry sa Cinemalaya at “Hintayan Ng Langit” sa QCinema, nu’ng time na nawala siya sa Ang Probinsyano.

On both films, nanalo si Tito Eddie ng Best Actor. Kaya ‘di malabong masungkit din niya ang Best Actor sa 2018 MMFF para sa “Rainbow’s Sunset” directed by Joel Lamangan and produced by Heaven’s Best.

“Well, hindi ko alam kung ano ang chance ko to win. Dahil hindi ko alam ‘yung mga entries pa. So, whatever the outcome is good,” lahad niya.

This Christmas, wala naman daw siyang inaasa-asam na regalo pero kung may magbibigay tatanggapin niya siyempre.

“Well, kung may magbibigay bakit ko naman tatanggihan? Pero wala na akong hinihiling. Kung ano ang dumating, okey sa akin,” sagot ng actor-director.

Speaking of gift, may balita ring lumabas na binigyan siya ng kotse ni Coco. Pero ayon kay Tito Eddie, wala pa siyang natatanggap na sasakyan from Coco.

May dalawa raw siyang kotse at isa doon ay Jeep ang tatak. Pero kung bibigyan daw siya ni Coco ng kotse, e, tatanggapin niya ng buong puso.

Ang “Rainbow’s Sunset” ang ikalawang pelikula ni Tito Eddie na idinirek ng award-winning director na si Direk Joel. Huli silang nagkatrabaho for an MMFF entry ng Regal Films na “Mano Po” noong 2002 kung saan parehong nanalo sina Tito Eddie as Best Actor at si Direk Joel bilang Best Director.

Ma-take two kaya nila ang pagkakapanalo nila noong 2002 sa MMFF this year?

Dream come true para sa magkapatid na Ria at Arjo Atayde ang magkasama sa isang drama program gaya ng Maalaala Mo Kaya. Sila ang bibida sa episode ng longest drama anthology on television hosted by Charo Santos tonight sa ABSCBN.

Dahil sobrang happy si Arjo nagpost siya sa kanyang Instagram tungkol sa episode nila ni Ria for MMK.

Nagpasalamat ang binata sa MMK hindi lang sa pagbibigay sa kanila ng chance na gumanap ng karakter nila ni Ria sa kwento ng tunay na buhay ng magkapatid na environmentalists na sina Armin and Rosedel.

Kasama nina Arjo at Ria sa episode this Saturday ng MMK na tungkol sa Sibuyan island preservation sina Ernie Garcia, Tetchie Agbayani, Alex Medina, Angelo Ilagan at Jacqui Leus sa direksyon ng millennial director din na si Giselle Andres (ng I Love You, Hater at Loving In Tandem) sa panulat ni Arah Jell Badayos.

EDDIE GARCIA AT COCO MARTIN

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.