Robin bumilib sa gumawa ng 'Mariel-Isabella' pandan bag

Bandera (Visayas) - - News -

Napahanga si Robin Padilla sa talent ng aming best friend na si Ruby Evangelista Quinn sa pagpipinta.

Gamit ang pandan bag, Ruby painted Robin’s wife Mariel and daughter Isabella.

Proud of Ruby’s work, Robin even posted a photo of the bag with Ruby and another friend of ours, Veronica Kempis del Rio. Si Veronica na isang teacher and our high school classmate ang naging daan para makilala ni Robin si Ruby.

“Ang aking regalo sa aking Maria/My birthday gift to my Isabella. @handpaintedbyrubyquinn. #sarilingatin Huli man ay nakakahabol pa rin.”

‘Yan ang caption ni Robin sa IG photo niya. Actually, maraming followers ni Robin ang nagkagusto sa pandan bag painting.

Sobrang napabilib naman si Ruby kay Robin that she thanked him sa Instagram account niya and said, “@robinpadilla thank you sooo muchhh! You are super nice, so down to earth despite your celebrity status. Hats off ako sau for how you treated us yesterday, we felt like your long lost friends. @marielpadilla, thank you for appreciating my work of art. God bless you both and your family.”

Getting into showbusiness is just a matter of course for Belladonnas member Chloe Sy dubbed as Hataw Princess.

This Grade 10 student and 2017 Miss Oriental Mindoro titlist is the daughter of Joey Nicolas, a former That’s Entertainment mainstay who has appeared in some movies and was once a Viva artist.

“Siya ang inspiration ko pero pangarap ko po ito talaga. It started noong nag-pageant ako when I was 10,” she mused.

Since she was already joining pageants at 10 years old, we asked her to rattle off her preparations for any competition.

“I workout and do some training. Talagang kinakarir ko kasi bago po ako nag-audition para mag-artista ay nag-pageant muna ako. Kapag nanalo ako dito, mag-aartista ako. Kapag hindi ako nakuha, magpapageant po ako,” she said.

When she auditioned for Belladonnas, there was the evident kaba on her part “kasi hindi naman po ako sumasayaw. Dito lang ako natutong sumayaw.”

Since naka-one year na siya, we asked her kung ano ang pinakamadali at pinakamahirap being a Belladonna member.

“Masaya po lalo na ‘yung samahan. Mas nakilala namin ang isa’t isa through bonding. Parang we’re like a happy family. Pinakamadali ang pakisamahan sila at pinakamahirap ang training. Ang pinakamahirap ay ang pag-split, left and right.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.