JULIE ANNE, THE CLASH FINALISTS NAGPAKITANG-GILAS SA HARAP NG PRESS

Bandera (Visayas) - - News - BY RONNIE CARRASCO III

WE’RE no frequent invitee to events, pero nakaka-touch na so far we’ve been getting invites of both presscons (of certain MMFF entries) and Christmas press parties.

But much as we’d like to attend such events, dusa ang forever na yatang lumbar problem namin na ayaw kaming lubayan like a shadow which follows us everywhere we go.

Pero may nakakatawa kaming kuwento, nitong Miyerkules lang ito when we received a text invite sa press party ng Star Magic (na every other year lang yata kami naaalalang imbitahan). Kulay puti ang inirequire nilang outfit ng media.

‘Kaka-touch na nabuhay sa kamalayan ng talent arm ng ABS-CBN ang aming existence. But again, because of our mobility problem ay tinabla namin ang before lunchtime na event.

Last Tuesday ay lagare ang members ng entertainment press dahil sa magkasunod na events: presscon ng MMFF entry ni Vice Ganda at GMA Christmas media party.

Ilang tumbling lang ang layo ng dalawang venue sa isa’t isa. But any media member could imagine ang pagmamadali ng press mula kay Vice to make a speedy segue to the GMA studio.

Ayon sa nakalap naming tsika, VG’s presscon wasn’t the typical come one-come all event. Bukod sa limitado raw ang bilang ng media attendees, maging ang ipina-raffle ay limitado rin.

The gay TV host-comedian parted with P100,000 (puwera ‘yung tigpi-P50,000 nina Richard Gutierrez at Mr. Dantes who are in the cast). Napapayatan ang ibang mga kabaro sa ipinamahagi ni Vice Ganda.

VG had to thank GMA for. May dahilan nga naman na madaliin if not i-cut short ang kanyang presscon to give the media a chance to attend the Kapuso party.

Samantala, ang inyong lingkod was the first to arrive at our former home network. Minarkahan na kasi namin sa aming kalendaryo ang araw n g Martes.

Kapag nagpaparty kasi ang GMA, to us, ‘yun ang totoong party where adults gather. May walwalan kasi. Oo nga naman, may party ba ng mga may-edad nang walang isine-serve na nakakabangenge?

But our rare appearance generally at GMA events noong Martes na ‘yon was one of discovery as far as the station’s artists are concerned. In many parts of the program ay nagtanghal ang mga ipinagmamalaking singer ng istasyon led by Julie Ann San Jose.

Ang apat na pares na ‘yon are the main attractions of GMA’s Studio 7, ang Saturday musical variety show nila. In fairness, hindi naman pala kalakihan ang naiwang vacuum ni Regine Velasquez when she bolted out of GMA. But unlike the GMA press parties noon, wala kaming narinig na pangalan ng mga bigname Kapuso artists who pitched in their raffle share.

JULIE ANNE SAN JOSE

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.