BF ang wish ngayong Pasko

Bandera (Visayas) - - News -

Sulat mula kay Erika ng Bagbag, Rosario, Cavite Dear Sir Greenfield,

Isang beses pa lang akong nagkakaboyfriend pero hindi seryoso kaya masasabi kong hindi ito tunay na relasyon kundi boyfriend-boyfriendnan lang, wala pa kasing dalawang linggo ay nagbreak na kami. Sa ngayon ay magwa-one year na akong walang boyfriend at heto papalapit na naman ang Pasko, kapag nagkataon nito, malungkot na naman ang Pasko ko. Gusto ko lang malaman Sir Greenfield kung sa palagay nyo ba magkaka-boyfriend pa kaya ako ngayong pasko upang maging masaya naman ang Christmas ko? December 16, 1996 ang birthday ko.

Umaasa, Erika ng Cavite Solusyon/Analysis: Palmistry:

Kitang-kita ang kaisaisa at malinaw na Marriage Line (Illustration 1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda, na sa malapit na hinaharap, maaari isa o dalawang linggo na lang ang lilipas,

sigurado na ang magaganap, habang nagaamoy simoy Pasko na ang hanging amihan, at marami ng nagluluto ng mga bibingka sa gilid ng simbahan– bigla kang magkaka-boyfriend ng cute at guwapong lalaki. Cartomancy:

King of Hearts, Ace of Hearts at Queen of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing matutupad ang iyong Christmas wish at ito ay mangyayaring pagpasok na pagpasok ng Simbang Gabi-isang lalaking may edad sa iyo ng konti ang darating, biglang manliligaw sa iyo na dati mo na ring crush at kakilala.

Itutuloy...

Para sa may kaarawan ngayon: Panahon na upang mag-savings. Hindi dapat ubusin ang pera sa pagbo-blow-out. Magtira para kinabukasan ng pamilya! Habang pinapahalagahan at itinatabi mo ang pera, lalo yang darami ng darami. Mapalad ang 1, 7, 28, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “AgielZazel-Yophiel”. Yellow at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)

— Mawawala ang negatibong pakiramdam kung itutuon ang isipan sa ang mga bagay na may kaugnayan sa pag-ibig. Isang tapat at mabuting Sagittarius ang darating. Sa pinansyal, ang pinaka-epektibo pa ring paraan upang umunlad ay ang mag-ipon. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Black at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)

— Sa araw na ito at sa susunod na mga araw ihahatid ka ng iyong emosyon sa isang maligayang relasyon. Sa pinansiyal, hindi ka uunlad kung hindi ka magiisip o kikilos para sa mas malaking kita. Mapalad ang 6, 12, 23, 36, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Vada-Om.” Purple at silver ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)

— Kaunting panahon na lang matutupad na ang lahat ng mga pangarap sa buhay higit lalo sa aspetong pang-materyal. Sa pag-ibig, malaki ang maitutulong sa iyo ng isang taong inisnilang sa zodiac sign na Virgo. Mapalad ang 1, 5, 15, 27, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Blue at pink ang buenas.

— Tanggapin lang ng tanggapin ang anomang mga negatibong pangyayaring nagaganap at laging matutong magpasalamat. Sa ganyang paraan mahahawi rin ang dilim at sa sandaling umaliwalas ang langit, kusa na uling gaganda at liligaya ang iyong kapalaran. Mapalad ang 7, 13, 26, 35, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Whathanabe-Aum-Gatmadu.” White at beige ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) Leo – (July 23 – August 22)

— Hindi awa ang dapat, kundi ang pagiging mukhang salapi upang yumaman. Sa pag-ibig, kung puro damdamin ang paiiralin, paano ka uunlad? Mapalad ang 4, 14, 23, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Nameh-Om.” Orange at green ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)

— May darating na bagong kakilala, na makakasama sa panibagong yugto ng buhay sa susunod na taong 2019 na magpapasaya sa iyo. Isang masarap at matamis na pag-iibigan ang kusang mabubuo, habang sa aspetong pang-pinansyal ang kabuhayan ay patuloy ang paglago. Mapalada ang 4, 13, 28, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “GovardanaKrisna-Krisna-Om.” Orange at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)

— Sa simpleng buhay mas magiging maganda ang kapalaran. Iwasan ang maluhong pamumuhay lalo na sa darating na 2019. Tandaang ang pagtitipid at ugaling praktikalidad ang sa iyo ay siguradong magpapaunlad. Mapalad ang 7, 16, 24, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sari-Kara-Carya-Om.” Pink at green ang buenas.

— Palawakin pang lalo ang iyong mundo. Habang dumadami ang kaibigan mas lalago ang oportyunidad ng pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mentras maraming kakilala mas makapamimili ka ng taong may busilak na puso at pang habang buhay ka mamahalin. Mapalad ang 6, 15, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nameh-DosyaOm.” Cream at orange ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) Sagittarius – (November 22 – December 21)

— Masyadong mataas ang iyong ambisyon. Hindi masama dahil ang lahat ng iyan ay ipagkakaloob sa iyo ng langit. Sa pag-ibig ituloy lang ang pakikipag-relasyon sa isang nilalang na kaya-kaya mong mapasunod, lalo na kapag alam niyang gagalit ka na. Mapalad ang 1, 4, 18, 26, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-SakraOm.” Pink at gold ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)

— Sa panahon ngayong maraming gumugulo sa iyong isipan, walang dapat gawin kundi ang matutong mag-meditasyon – limang minutong katahimikan ng puso at isipan ang kailangan upang dagling masolusyunan ang mga pagsubok at problema. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 48. Mahiwag mong mantra: “Rama-Rama-KrishnaKrishna-Om.” Blue at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)

— Wag sumuko hangga’t hindi nakakamit ang pinaka-dulo ng minimithi – ang yumaman. Sa pag-ibig, wag hiwalayan ang kasuyo, at pagkatapos muli ka lang mabibigo sa pakikipag-relasyon sa iba – parang niloloko at pinarurusahan mo na nito ang iyong sarili! Mapalad ang 9, 12, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Magenta at white ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)

— Sa paskong darating wag maghanap ng kasiyahan kung saan-saan, nasa sariling tahanan ang ligaya. Mahalin ng lubos ang inyong pamilya, sapagkat sa ganyang paraan lamang, nagmamahal ka, bukod sa ligaya kusang darating ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 6, 18, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-MasyaOm.” Purple at lilac ang buenas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.