5 at 7 ang mahiwaga

Bandera (Visayas) - - News -

Dear David,

ISA ako sa masusugid mong tagasubaybay at nais kong bigyan mo ako ng mga mahiwagang numero at kulay na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Marso 24, 1980. Baon kami sa utang, makabayad kaya kami sa mga atraso namin? Bigyan mo naman ako ng teknik upang umasenso. Ako'y tricycle driver lang at nagsasideline bilang kargador pero mababa pa rin ang kita. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin sana akong ng buwenas na numero sa 4digit, 6-digit at lotto.

RAMON NG BARANGAY DULLAN

SUR, OROQUIETA CITY Dear Ramon, FIVE (5) at seven (7) ang mga mahiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Mercury at Neptune ang kumokontrol sa iyong buhay. Kulay gray at green ang buenas mo. Madali kang maka-adapt o makaadjust kahit saang klase ng environment kaya't ang tulad mong may taglay na mahiwagang No. 5 ay nagiging matagumpay sa paglalakbay at pagnenegosyo. Hindi ka dapat matakot sa pagnenegosyo. Pero, hindi ka rin naman dapat na mangutang ng puhunan bagkus ay magsimula ka sa maliit na kapital at ito lang ang paiikutin mo hanggang sa lumobo nang todo. Buenas ka sa lahat ng klase ng sasakyan kaya't hindi ka dapat nagkakasya lamang sa pamamasada lamang bagkus ay subukan mong mamamakyaw ng mga produkto at ibiyahe ito sa matataong lugar.

Maaari mo kasing gamitin ang limang araw sa pamamasada at gamitin naman ang matutumal na araw sa pagbibiyahe ng mga produkto partikular ang mga agricultural products tungo sa mga retailers sa mga kalunsuran. May naghihintay na magandang kapalaran sa taon 2014, 2017 at 2021 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na hanapbuhay. Buenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 11, 18, 23, 27, at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Lunes at Biyernes. Sa digit, bantayan mo ang 3-7-0-1/ 8-9-3-6/ Sa 6-digit, pwede ang 5-60-6-2-5/ 7-9-2-2-1-4. Sa lotto, pumulot ka sa 3, 8, 11, 18, 23, 26, 34, 36, 39 at 40.

Asset tips: 6-8-1/ 3-27/ 8-9-2/ 3-2-8. Wiretips: 4-7-1/ 7-8-2/ 1-3-10/ 9-21. Double digit: 6-9/ 1-3/ 7-7/ 4-4. Luzon guide: 47-11-18-23-27-34-37-4042. VisMin: 4-8-11-1823-26-34-37-40-43. MegaLotto: 4-7-11-1723-27-34-36-40-42. Grand Lotto: 5-7-11-1823-27-34-37-40-44-54. Four Number: 4-6-8-1/ 16-8-2/ 8-9-2-2.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.