peke ang Mystica drama ng kahirapan: Ipakulong mo na ‘yan sir Raffy Tulfo!

Ethel Booba matapang na binanatan ang paandar ni GMA Lea sa National Artist award: Wag n'yong i-jinx, baka hindi mangyari!

Bandera (Visayas) - - Front Page - BY ALEX BROSAS

NAGPATUTSADA si Ethel Booba sa isang politico through her recent tweet.

“On GMA’s draft Federal Constitution she includes no term limits on all lawmakers. Wow! Feeling ko nahiya lang sya idagdag na idecriminalize ang graft, plunder and corruption. Charot!”

‘Yan ang nakakalokang swipe ni Ethel which was welcomed by her followers on Twitter. Ang daming nag-react sa tweet niyang iyon.

“Wala ng hiya-hiya ngayon sa gobyerno. Lantaran na ang kawalanghiyaan, ginagawan ng kaso ang mga kritiko at pinapalaya ang mga kaalyado.”

“Hindi kailanman mahihiya ang taong wala naman talagang hiya. Hahaha.”

“May hiya pa bang natitira sa katawan?”

“Actually, nakatago yung isang draft eh na may ganung provision.”

“No. She's not. Meron na talagang ganung provision dun sa proposal na pinasa ng Lower House.”

❏❏❏

Galit na galit ang netizens kay Mystica dahil sa kumalat na video where she seems to have faked her kahirapan.

Sa video kasi na kuha sa kotse na dina-drive ng dyowa niya, tawa nang tawa si Mystica while talking to her boyfriend.

“Maghahanap muna tayo ng trabaho bago…manawagan muna tayo para makabalik tayo sa showbiz. Para makapag-bash. Kailangan iiyak ka. Tingnan mo ready na dapat ako, eh. Iyak ka.

“Sayang, napurnada ‘yun iyak ko. Ready na dapat ako magdrama, eh. Nananawagan po kami. Wala na po kaming panggastos. May kotse nga po kami pero wala kaming gas.”

‘Yan ang mga dayalog ni Mystica in beween laughter. Pati nga ang dyowa niya ay tawa rin nang tawa.

With that, parang pinalalabas nila na fake ang kanilang paghihirap. Matapos matsugi sa FPJ’s Ang Probinsyano, humingi ng tulong si Mystica kay Michael V and later kay Dingdong Dantes. Wala namang nangyari sa kanyang panawagan dahil sinabi ni Bitoy na wala sa kanya ang desisyon.

Of late, nanawagan siya kay Raffy Tulfo. Galit na galit ang netizens sa video ni Mystica at dyowa nito.

“Yung gusto mong tulungan ayan oh...pwede ba sir Raffy wagas wagasan mo na lang yung tulong mo sa kanya lagay mo na lang sya sa loob nang rehab or mental.”

“Sir Raffy wag na wag n'yo pong papalampasin ang pangbabastos nitong babae sa kabutihan ninyo! Ipakulong ninyo po! Grrrrr! Kakagigil.”

“Adik ba yan? Nakakainis yung ganito pinagloloko ka lang samantala handang tumulong yung pinuntahan nya , nakakagigil ding itong bold star na to. Makarma ka sana.”

“Malala na talaga yang babaeng yan. My sayad. Papansin. Nakakaawa ka na nakakainis. Dahil nga sa ugali mong papansin.”

❏❏❏

When she was asked about the possibility of being nominated for National Artist Award, ang feeling ni Lea Salonga ay para siyang inuurot kaya naman she addressed it with sarcasm.

“Please, huwag niyong i-jinx, baka hindi mangyari,” she said in a recent interview.

While working hard and having earned awards from the international award-giving bodies, ang gusto lang ni Lea ay mapabuti ang kanyang mga gawain be it in theater or in music.

“But that’s not the intent to, maybe, when I’m 80, I’ll get the National Artist. No, that’s not it. For me, my intent is to work until I literally drop dead holding a microphone. That’s the happiest death I could have—to be onstage doing what I love to do, making music,” paliwanag niya.

“I love to get up on stage and sing hell a lot of music that I enjoy with full orchestra behind me and sing with other people who feel that same passion as I do and work with similarly-minded individuals in this industry,” she added.

❏❏❏

May ilang fans na nagtataray kay Mama Ten ni Alden Something.

Kasi naman, feeling nila ay masyadong walang K itong si Tenten para umarte. Wala daw itong talent at kung hindi lang daw ito alalay ni Alden ay hindi ito bibigyan ng break ng isang noontime show.

Halos magwala ang ilang fans ni Maine Something dahil nag-guest si Tenten sa sitcom nila. Nakita nga namin sa Twitter na naka-black dress ang alalay ni Alden.

Fans of Maine felt na hindi na dapat ipinipilit na dumikit ang alalay ni Alden kay Maine. Medyo ballistic nga sila sa pagsasabing ‘wag daw dikit nang dikit itong si Tenten sa idol nila.

Ang feeling kasi ng fans ni Maine ay ginagamit ni Alden si Tenten para muling maging close sa TV host-actress, eh, alam naman ng lahat na may Arjo Atayde na siya. At marami sa fans ni Maine ang botong-boto sa kanilang ‘relasyon’.

MYSTICA LEA SALONGA AT MICHAEL V RAFFY TULFO ETHEL BOOBA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.