Fetus sa mall

Bandera (Visayas) - - News - —Liza Soriano

NADISKUBRE ang agas sa comfort room ng mall kamakailan sa Makati City.

Ayon sa pulisya, natagpuan ng janitress na si Maricris Tapuso ang fetus alas-6:05 ng gabi Miyerkules sa comfort room sa ikaapat na palapag ng mall sa panulukan ng Arnaiz Ave. at P. Camu st., Brgy. Pio Del Pilar. Naglilinis si Tapuso nang mapansin nito ang hindi pa mabatid na kasarian ng fetus sa isa sa mga cubicle kaya agad niya itong ipinagbigay-alam sa mga sekyu. Nirerebisa na ang footage ng mga CCTV camera sa mall upang matukoy kung sino ang maaaring nag-iwan ng agas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.