Guro obligadong pumasok sa Christmas break—DepEd

Bandera (Visayas) - - News -

OBLIGADO pa rin ang mga guro sa mga pampublikong eskwelahan na mag-report sa trabaho sa Christmas break mula Disyembre 16 hanggang 22.

Sa kalatas ay inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang Memorandum Order No. 49 kung saan hanggang Disyembre 15 na lang ang klase sa public school habang ang Christmas break ay mula Disyembre 16 hanggang 22.

Pero sa Memorandum Order No. 53 ay nakasaad na required pa ring magtrabaho ang mga guro sa naturang petsa ng Christmas break.

Paliwanag ng Deped, ang pagtuturo ay serbisyo-publiko na ang anumang pagkabalam ay makakaapekto sa outcome ng mga estudyante.

Dagdag ng ahensya, ang attendance ng public school teacher sa Christmas break ay dapat na alinsunod sa ilang alituntunin.

Kabilang ang letter-request na isinumite ng school head sa kaukulang shool division, sapat na dahilan na may umiiral na exigency of public service at aprubadong letterrequest ng schools division superintendent.

Samantala, nakasaad naman sa Deped Order No. 25 na may discretion ang private schools na magkaroon ng sariling school calendar kabilang ang Christmas break pero kailangan na masunod ang minimum na bilang ng araw ng pagpasok.—Radyo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.