146 nalambat sa police ops

Bandera (Visayas) - - News - —Liza Soriano

DINAKIP ang 146 katao, kabilang ang top ten most wanted person, sa serye ng police operation sa Pasay City.

Kahapon ay iprinisinta ni Senior Supt. Noel Flores, hepe ng Pasay police, sa mga mamamahayag ang mga suspek, kabilang si Anthony dela Cruz alyas Timmie, 34, ang ika-10 most wanted person sa siyudad at may kasong murder. Ala-1 ng madaling araw nang masakote si dela Cruz sa kanyang bahay sa F. Victor st., Brgy. 61, Zone 8. Siya ang itinuturong bumaril at pumatay sa kapitbahay na si Edwin Almeradla noong Marso. Bukod sa kanya, arestado rin ang 79 drug personalities, 44 city ordinance violators, 12 illegal gamblers, at iba pa para sa iba't-ibang kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.