2 pulis-Maynila protektor ng tupada, kalaboso

Bandera (Visayas) - - News -

KULONG ang dalawang pulis na naaktuhan sa tupada sa Tondo, Maynila, kahapon ng tanghali.

Itinuturo rin sina POs2 Melchor Rawi at Emerson Prutas, mga kagawad ng Manila Police District Station 1, na siyang protektor ng iligal na sabong.

Naka-uniporme pa ang dalawa nang damputin. Nakuha aa kanila ang mga manok, tare at P15,000 cash na taya.

Nabatid na matagal nang inirereklamo ng mga opisyal ng barangay ang tupada dahil sa gulo na idinudulot nito.

Nakakulong ang mga pulis sa Camp Crame at nahaharap sa kasong administratibo at illegal cockfighting.—Radyo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.