OPINYON KO ‘TO

Bandera (Visayas) - - News -

Ano ganito na lang ba tayo? Palalayaain ang mga may sala at ang mayayaman ay nagpapakasasa habang kapag mahirap ka eh wala mabubulok ka sa kulungan? Tapos yung PNP walang ginagawa kundi makelam sa mga TV shows? Asan po ang hustisya? Wala. Pinatay na. Na-EJK na siya .... 8712

Hindi po ako naniniwala na totoong walang sala etong si Bong Revilla. Hindi nya alam mga nangyayari? Either incompetent sya dahil di nya alam o ang galing nyang actor para mapaniwala tayo ..... 7162

Imelda stays free, Enrile is free, Jinggoy is on bail, tapos Revilla is not guilty. Hindi na ito tama .... 3812

Habang naka-focus tayo sa mga walang kwentang isyu eto na dahan dahan ng pinapasa ang federalismo. Tinatagalan nila siyempre at nilalagyan ng mga matitinding isyu in between para hindi mapansin ng madla until too late na at presidente na for the 3rd time si Duterte. Nakow .... 6125

Huwag na nilang pakelaman ang AP hindi naman kasi totoo yun. Para lang yun ma entertain ang mga nanonood. Huwag dibdibin PNP!. Salamat Bandera! .... 7260

Good AM po Bandera. Ang pulis kaya po yan masama sa mga mata ng mga tao ay hindi dahil sa mga napapanood sa mga pelikula o teleserye. Sa sarili nilang gawa iyan. Dapat ang PNP kung sobrang galit sa kriminal dapat mas galit sa mga kapwa pulis na kriminal. Maraming nagbubuwis ng buhay sa kanila para ipagtanggol ang bayan tapos dahil lang sa mga kriminal na pulis ay madudungisan din ang kanilang imahe? Dun sila magalit. —Harold Lucia, Bohol .... 8761

May tama naman ang pulis. Sana tanggalin na ang stereotype na lagi silang huli, tapos puro kotong cops sila. Huwag naman ganun. Tapos huwag silang gawing panakot sa mga bata. Pulis nga eh bakit ang mga bata ang matatakot sa kanila. Dapat kriminal ang ipantakot sa bata. Thank you....8713

Oo makelam na sila. Ang tagal na eh. Gusto ko ng makita ending ng Ang Probinsyano! .... 6762

Hindi po ako payag dahil baka po mag-iba ang storya. Ang ganda pa naman. Idol ko po si Coco Martin. —Lester Fuentes, Quezon City .... 7813

Gusto ko pong paalalahanan ang PNP na ang Ang Probinsyano ay isang teleserye na gianwa para lang mag-entertain. Gawa gawa lang ito at hindi makatotohanan. Yun lang .... 4164

Hindi dapat yan ang

pagkaabalahan ng mga pulis. Dapat ay ayusin nila ang kanilang pamamalakad. Maraming mga pulis na pulpul, maraming mga pulis na pasaway. Yung iba narereport pero madalas hindi. Bakit? Kasi nanatakot sa resbak. Siyempre pulis yun. Matatakot sila. Yun ang dapatnilanng ayusin .... 3189

Pabor ako na baguhin na nila. Palitan na nag kwento ng Probinsyano. Tapusin na nila at huwag ng paabutin ng 70 years hehe....3789

Ano ang mali sa Ang Probinsyano? Yung mga pulpol na pulis? Teka sino nga ba yung nagsabi na gawain na ang mangrape ng mga nakukunsunadahan na mga nahuhuli kapalit ay laya? Hindi ba pulis yun? Manalamin muna kaya ang PNP .... 7761

Hindi po kasi malinis ang hanay ng mga pulis. Nakakaawa ang mga pulis na gustong gusto at mahal na mahal ang pagtulong sa iba. Sila po ay kaunti lamang. Tapos nasa matataas pang position ang mga pulis na may mga hidden agenda sa kanilang trabaho.

Paano pa? Paano magtratrabaho ang isang katulad ni Cardo sa loob ng kapulisan na puro bulok? Kung ako sa PNP dapat ay tapusinnilaang masamang imahe nila. Simulan nila sa pagcrackdown sa mga pulis na baliko. As in linisin nila. —Joy Robles,Quezon City .... 7618

Gusto ko lang ipoint out sa mga pulis yung mga kalokohan ng marami sa kabaro nila bago nila pakealaman ang Ang Probinsyano. Yun lang. Salamat Bandera. —Chris, Bayan-bayanan, Marikina .... 6962

I hope we give chance sa mga pulis. Nahihirapan din sila eh. Naniniwala pa din ako sa mga mabubuting pulis .... 8281

Hindi imahe ang kailangan linisin ng PNP yung mga pulis nila. Huntingin nila ang mga kriminal na pulis. Hindi lang naman sila nasa Maynila. Pati sa probinsya ay meron din. Kung matutukoy nila ang mga ito tapos ang problema .... 6152

Opinyon ko lang ito. Ang ibang portion

ng kwento ng Probinsiyano ay makatotohanan. Ang nakita kong mali at hindi dapat ganon ang ginawa nilang kwento ay ang tungkol sa Presidente. Sobrang imposible at hindi kanaisnais ang ginawa nilang role ng Presidente. Malaking insulto sa isang taong may pinakamataas na tungkulin sa ating bansa. Dapat lang na baguhin na ang kwento at wakasan bago man lang matapos ang 2018. Marami nang tao ang sawa na sa mga imposible at paulitulit na mga tagpo sa kwento. Pwede naman siguro magsimula uli ng ibang kwento ang Probinsiyano natiyak namang magugustuhan ng maraming tao. --FEC 80 Davao City .... 6215

gudday BANDERA baliktarin natin hindi naman umaangal ang provinciano sa mga EJK at JOKES na totong nangyayari .-LEYTE 71 .... 4371 All rights reserved.

Except as permitted by law, no part of Bandera may be reproduced or distributed in any form or by any means stored in a database or retrieval system without its prior written permission.

Manila office: MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City, Metro Manila • Mindanao Advertising & Circulation Office: Door-1, Mandaya Arcade, Palma Gil St., Davao City

Tel. No: (082) 327-0583

Editorial: (02) 895-7513 • (02) 895-7529 • [email protected] Advertising: (02) 895-1510 •(02) 895-1467 • telefax: (02) 897-3663 Circulation office: Unit F202 Velco Centre Bldg., A.C. Delgado cor. R.S. Oca Sts., South Harbour, Manila • (02) 523-5570 • (02) 516-2113 Subscription Hotline: (02) 890-2351

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.