MayWard, DonKiss, LoiNie may silent war, Vice sure win sa MMFF

JC: Grabe! Iba ang feeling pag tatay ka na! Ilang taga-showbiz imbiyerna sa paglaya ni Bong

Bandera (Visayas) - - News - BY AMBET NABUS

MAY "silent war" daw ang tatlong Kapamilya loveteams na kasama sa 2018 MMFF entry ni

Vice Ganda na "Fantastica".

Involved din sa "war" na ito ang mga generous at mayayamang supporters ng mga bagets na nangakong kakaririn ang pagorganize ng mga block screening para sa movie.

Bilangan kung bilangan ito ng mga fans na willing gumasta nang bonggang-bongga para lang maipakita ang pagmamahal at suporta mga iniidolo nilang loveteams.

Well, kung kami ang tatanungin, mukhang nakakalamang na sa laban ang MayWard (Maymay Entrata at Edward Barber). Proven na kasi ang lakas ng kanilang following dahil kahit sa social media ay ginagarantiyahan lagi ng mga fans ang kanilang tandem.

We still have to see kung gaano talaga kalakas ang DonKiss (Kisses Delavin at Donny Pangilinan )na grabe rin ang followers sa social media. Pero sure kami na hindi rin magpapatalo ang tambalang LoiNie (Loisa Andalio at Ronnie Alonte).

Lalo na itong si Ronnie na noon pa napapabalitang marami raw generous cougar supporters na willing ibigay ang lahat-lahat para sa batang actordancer.

Hmmmm, tiyak na ang wagi sa war of Kapamilya loveteams na ito ay si Vice Ganda, dahil sure win na ang festival entry niya sa fans ng mga kasama niyang bagets sa movie. Tapos meron pa siyang Dingdong Dantes at Richard Gutierrez!

❏❏❏

Sa paglaya ng dating senador na si Bong Revilla ay expected na rin siyempre na may mga taong mangnenega sa kanya.

Meron kaming mga nabasa mula sa kapwa niya mga taga-showbiz na lantaran ang pagpintas o pagpuna sa paghatol sa kanya ng not guily ng Sandiganbayan kaugnay ng kasong plunder case, but knowing papa Bong, tanggap na niya ito.

Hindi nga niya mapiplease ang lahat at mapapaniwala na siya'y inosente sa kaso dahil sa pagkakaiba ng kanilang mga pananaw at paniniwala, pero one thing is for sure, positibo pa rin ang pananaw dito ni Bong.

Sa mahigit apat na taon niya sa Custodial Center ng Camp Crame at sa maraming pagkakataon na nabibisita namin siya at nakakausap, napakalaki ng pagbabago ng pananaw niya pagdating sa mga realidad ng buhay, hindi lang sa usapin ng pulitika.

Come 2019 at sa muli niyang pagsabak sa eleksyon, muli siyang magpapakilala sa sambayanan bilang isang matatag, mahusay at magaling na lider.

Congratulations at tunay na maligaya nga ang Pasko ng pamilya Revilla ngayong malaya na siya.

❏❏❏

Iba naman talaga ang nagagawa ng fatherhood. Kung dati ay very reserved itong si JC de Vera at hindi nagbibigay ng detalye on his private life, iba na ngayong meron na siyang anak.

"I think I can now say that I have my one great love," sey ng aktor during the mediacon ng "One Great Love" kung saan kasama niya sina Dennis Trillo at Kim Chiu. Bilang proud father, hands on siya sa anak nila ni Rikkah Cruz na si Lana na habang lumalaki ay lalong napapalapit sa kanya at aminado siyang OA siya pagdating sa kapakanan nito. " I guess that's the magic of fatherhood or motherhood. Iba talaga. Unexplainable and no words can simply describe it. Kaya nga mas nakakadagdag inspiration sa work," hirit ni JC. Happy at kuntento naman daw si JC sa kanyang showbiz career at inaasahan nga niyang sa darating na 2019 ay magpapatuloy pa rin ang kanyang magandang career kahit pa aminado siyang dumarami pa ang mga leading man sa ABSCBN.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.