ALDEN 8 YEARS NA SA SHOWBIZ, ALDUB NATION MAY ‘THROWBACK PASABOG’ Anne, Erwan pwede nang karirin ang paggawa ng baby

Dingdong, Marian, Atom, Drew, Bitoy wagi sa 2018 Anak TV awards

Bandera (Visayas) - - News - BY JUN NARDO

SUMAKTO sa eight anniversary ni Alden Richards sa showbiz ang paglipat ng Eat Bulaga kahapon sa bago nitong APT Studios sa Cainta, Rizal.

Bumaha ng pagbati sa Twitter para kay Alden gamit ang hashtag na #8YearsWithAlden.

Inalala ng fans ang mga unang taon sa showbiz ng Pambansang Bae na sa loob ng walong taon sa trabaho eh, napanatili ang dedikasyon sa kanyang propesyon, pagiging humble at mabait sa lahat ng taong nakakasalamuha niya.

Eh, dahil malaking inspirasyon kay Alden ang yumaong ina, ‘yung iba niyang fans ay anak na rin ang turing sa kanya dahil sa sipag at kabaitang taglay mula noon hanggang ngayon.

Samantala, abala naman ang AlDub Nation sa pagtu-tweet kahapon gamit ang hashtag na #ALDUBatAPTStudios. Mahigit na isang milyong tweets na lang ang kulang at maa-achieve na nila ang target na 1 billion tweets, huh!

❏❏❏

Nagbunga ang panawagang dasal ni Anne Curtis para sa isinagawang operasyon sa kanyang ama. Sa recent tweet ni Anne ibinalita niya ang kundisyon ng kanyang tatay, “Daddy’s safely in recovery room. Thank you for your prayers everyone.”

Pero kahit nasa ospital pa ang ama, dumalo pa rin si Anne sa grand presscon ng festival movie niya, ang horror film na "Aurora" mula sa direksyon ni Ya m Laranas.

Ibang putahe naman ang handog ng aktres sa latest movie niyang ito. Aniya, ang "Aurora" ang ikatlong movie na nagawa niya this year after ng blockbuster movies niyang "Sid & Aya" with Dingdong Dantes at ang action-packed na "Buy Bust" na idinirek ni Erik Matti.

Kagagaling lang ni Anne sa South Africa kung saan sila naghoneymoon

honeymoon ng asawang si Erwan Heussaff. Puwede na raw siyang maghinay-hinay sa paggawa ng pelikula para harapin naman ang pangarap nila ni Erwan na magkaroon ng anak. Humakot ng tropeo ang mga programa ng GMA at ilang Kapuso stars sa katata- pos lang na Anak TV Awards 2018. Nakatanggap ng Anak TV Seal ang 24 Oras, 24 Oras Weekend, Aha!, All Star Videoke, Ang Forever Ko'y Ikaw, Born To Be Wild, Daig Kayo Ng Lola Ko, iBilib, Kapuso Mo, Jessica Soho, Pepito Manaloto, Pinoy MD, Sarap Diva, Sherlock Jr., Stories for the Soul, Unang Hirit at Wish Ko Lang.

Itinanghal namang mga Makabata Stars sa Anak TV Awards 2018 sina Atom Araullo, Drew Arellano, Dingdong Dantes, Alden Richards, Michael V, Barbie Forteza, Maine Mendoza , Gloria Romero, Bianca Umali at Marian Rivera.

ERWAN HEUSSAFF AT ANNE CURTIS ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.