AKTRES NA BIGLANG YUMAMAN WALANG UTANG NA LOOB, NEGOSYANTENG INUTANGAN NA-SHOCK

4 na taon, 6 na buwan nasayang sa buhay ni Bong

Bandera (Visayas) - - News - BY CRISTY FERMIN

DATI’Y parang namamalimos ng trabaho ang isang female personality. Wala kasing pumapansin sa kanya, TH na TH na nga ang kanyang dating, pero talagang mailap sa kanya ang kapalaran.

Marami siyang inabalang kaibigan dahil sa tindi ng kanyang pangangailangan, kahit nga ang mga taong kauumpisa pa lang niyang makilala ay inuutangan na niya, ganu’n ang pinagdaanang buhay ng babaeng personalidad.

Kuwento ng aming source, “Pero biglang sinikatan ng araw ang palaonjamey na niyang career! May nagtulay para biglang sumikad ang karera niyang papunta na talaga sa pagkalimot.

“Ngayon, e, maayos na ang buhay niya, hindi na niya kailangang mangutang, puwede na ngang siya ang magpautang ngayon dahil humahawak na siya nang milyunan!” unang chika ng aming impormante.

‘Yun nga lang. Sa pagkamal ng mga biyaya ngayon ng female personality ay nagkukuwentuhan ang mga taong inabala niya nu’ng walangwala pa siya, bakit daw hindi man lang siya nakakaalala, anyare?

“May isa nga siyang palaging nilalapitan nu’n na nag-invite sa kanya sa isang fiesta. Kakanta lang naman siya, tapos, uwi na rin agad. Sumama ang loob nu’ng nang-imbita sa kanya dahil kinatalo pa niya sa presyo.

“May kiyeme pa ang female personality na kung sa namamahala ng career niya lalapit ang kumukuha sa kanya, e, napakataas na presyo ang ibibigay sa kanya.

“Pero kung direkta na sa kanya, mas mababa, dahil wala na siyang bibigyan ng komisyon. Nalungkot ang lumapit na businesswoman sa kanya, super-lungkot. “Naalala niya kasi ‘yung mga panahon na kahit nasa meeting siya, e, dumarating ang female personality para manghiram ng datung sa kanya. Walang pinipiling lugar at panahon ang girl.

“Pero ngayong malaki na ang kinikita niya, hindi na nga niya binayaran ang pagkakautang niya sa negosyante, e, kinatalo pa niya sa presyuhan sa fiesta!

“Sabi na lang ng businesswoman, e, talagang may mga taong maigsi lang ang memorya, madaling makalimot, lalo na kapag nagkakaroon na. Pero di bale, sabi pa rin ng negosyante, hindi naman panghabambuhay ang suwerteng hawak niya ngayon.

“Damay lang naman siya sa suwerteng dumating sa isang kapamilya niya, sa totoo lang,” pagtatapos ng aming source. Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na this!

Apat na taon at anim na buwan. Napakahaba ng panahong ipinanatili ni dating Senador Bong Revilla sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Konting-konting panahon na lang at dalawang libong araw pala ang ipinanatili niya sa mainit, masikip na piitan. Pero ang lahat ng ‘yun ay isang mahabang kuwento na lang dahil nilisan na n pulitiko ang kany pait na karanasa nakaraang Biyer hapon.

Malaya na s Senador Bong Re guilty ang hatol sa Sandiganbayan s plunder, pero na siya nang kulang hating milyong pi song graft na mata didinggin sa Sa

Maagang pamaskong maituturing ng pamilya Revilla ang paglaya ng aktor-pulitiko. Dininig ang kanilang mga panalangin, pati na ang hiling ng kanilang mga kaibigan at tagasuporta na harinawang makalaya na ang dating senador, nagbubunyi silang lahat ngayon.

Maraming kailangang habuling panahon ang kalalaya lang na personalidad. Habang nasa loob siya ng piitan ay pinagdamutan siyang masaksihan ang kasal ng isang anak nila ni Mayor Lani Mercado, ang pagtatapos sa kolehiyo ng kanilang anak, ang damidami.

Maligayang pagbabalik sa malayang buhay, maligayang-maligaya ang Pasko ngayon ni dating Senador Bong Revilla. Makakapiling na niya ang kanyang pamilya ay isang malinis na imahe pa ang iniregalo sa kanya ng hustisya.

BONG REVILLA AT LANI MERCADO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.