'Alab ng puso' sa nina Julie Anne, Ruru at Migo

Barangay 143

Bandera (Visayas) - - News -

MAY kikiligin at may masasaktang puso ngayong Linggo (Dec. 9) sa first Filipino anime series na Barangay 143 sa GMA 7.

Matapos ang mainit nilang komprontasyon ay aamuhin ni Bren (Migo Adecer )si Vicky (Julie Anne San Jose) sa pamamagitan ng isang harana. Agad namang lalambot ang puso nito sa bagong captain ng team Puzakal.

Samantala, lingid sa kanilang kaalaman ay may lihim palang nasasaktan sa katauhan ni Wax (Ruru Madrid). Ano nga ba ang tunay na nararamdaman ni Wax kay Vicky? Paano kapag harapan niyang makita ang pagkakamabutihan ng dalawa?

Hindi pa riyan nagtatapos ang mga pasabog dahil isa na namang rebelasyon sa katauhan ni Bren ang isisiwalat.

Huwag palalampasin ang episode na ito bago ang season Isang eksena sa ‘Barangay 143’‘’ break ng Barangay 143, ngayong Linggo 10 a.m. sa GMA. Muling magbabalik ang Pinoy anime sa bago nitong episodes sa Pebrero, 2019.

Ituloy ang Barangay 143 experience sa inyong smartphones sa casual shootout game na ‘‘Barangay 143 Street League.”

I-download na ang app for free at para mas exciting at quality ang inyong gaming experience, siguraduhing laruin ito gamit ang bagong Nokia 5.1 Plus smartphone.

Para sa updates, i-like angwww.facebook.com/brgy143, i-follow ang @brgy143 sa Instagram at Twitter, at mag-subscribe sa www.youtube.com/brgy143.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.