Alien In Love

Bandera (Visayas) - - News - Ni Gilda Olvidado

NAMUMROBLEMA si Brummo. Bilang pareho sila ng planeta, hindi niya maaring pabayaan si Miaraz.

“Hindi ako makakapayag na makukulong ka.”

“Salamat, Brummo at nagmamalasakit ka sa akin. Pero sana maintindihan mo na napilitan lang akong gawin iyon. Dahil naisip ko kasi na kapag namatay ang killer na gustong pumatay sa akin, magdadalawang-isip na si Aiza para gawin ito kay Marianne. Kasi sigurado ako na kung selos at galit siya sa akin dahil kahawig niya ako, selos at galit din siya kay Marianne dahil si Marianne ang mahal mo.”

Napabuntonghininga ang binatang alien. “Alam ko, Miaraz. Noon pa naman talaga ako nag-aalala sa kaligtasan ni Marianne. Dahil kay Aiza. She is a very dangerous woman.”

“Now you’re saying. Kung makukulong man ako dito, okay lang. Saka kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa kulungan. Kung totoong maramingmga masasamang tao doon.”

Natawa na lang si Brummo. “Marami talagang masasamang tao doon, Miaraz. Kaya nga kulungan, e.”

“Huwag ka nang mag-alala sa akin, Brummo. Ako na ang bahala.”

“Hindi puwedeng hindi kita pagmalasakitan. You’re a good friend, Miaraz. Lalo na ngayong nagbabago ka na. Saka mahal ka na ni Marianne, hindi rin ‘yon papayag na hindi ka namin dadamayan. Lalo na, malalaman din niya na kaya mo na-terminate ang killer na iyon dahil advance defense iyon sa buhay ni Marianne.”

“Iyon naman talaga ang totoo. Hindi ako papayag na may mananakit kay Marianne dahil kaibigan ko na talaga siya at mahal ko na para nang kapatid.”

“At ngayon, mainit ang media ngayon kay Marianne. Hindi titigil sina Aiza hanggang hindi nila nasisira ang reputasyon ni Marianne. Panay ang depensa ni Aiza kay Marianne saying she doubts if Marianne is really guilty. Pero … hindi totoo na ganyan ang nararamdaman niya. I know she planned all these things.”

“Then what’s your plan?”

“Palalamigin muna natin ang sitwasyon ninyong dalawa.”

“Ano’ng ibig mong sabihin, Brummo?”

“Pumunta na muna tayong tatlo sa Mars 7. Ipagpapaalam lang natin si Marianne sa kanyang mga magulang then take off na tayo.”

“Brummo,paano ka magpapaliwanag sa kanyang mga magulang na tayo ay mga aliens p a l a a t a n g p a gbabakasyunan natin ay napakalayong uniberso, napakalayong planeta … ang Mars 7.”

“Tulungan natin si Marianne na magpaliwanag at magpaalam. Kaya natin ‘yon. Mararamdaman nilang mga mabubuti talaga tayong aliens, e.”

“Hindi naman ako tumututol. Kung aalis tayo muna ditto, isama na nga lang natin si Marianne. Tutal, babalik naman tayo.”

Tumango naman si Brummo. “Then I shall talk with Marianne. I hope papayag siya.”

Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.