8 at 9 ang mahiwaga

Bandera (Visayas) - - News -

Dear David Smith,

ISA po ako sa mga masugid mong tagahanga at gaya ng iba, nais ko ring magkaroon ng mga mahiwagang numero na bumabalot sa aking buhay.

Pa-extra-extra lang sa trabaho ang aking asawa at kinakapos kami sa pangangailangan ng aming tatlong maliliit na anak. May aplikasyon ako sa abroad, pero wala pang malinaw na resulta.

Masakit man sa kalooban ko, kailangan kong mawalay sa aking mga mahal sa buhay. Ipinanganak ako noong Hulyo 18, 1985. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa lotto.

DINA NG BARANGAY CANAWAY, ILIGAN CITY Dear Dina,

KUNG ibubuhos mo ang iyong panahon sa paga-apply ay talagang matutuloy ka sa pagtatrabaho sa ibang bansa dahil hawak mo ang mahiwagang No. 8. Ihanda mo na ang iyong sarili sa matitinding pagsubok sa buhay dahil talagang iyan ang takbo ng iyong buhay, pero pagsapit ng middle life, sa edad 50-anyos, magsisimula ka nang makaahon sa hirap. Magpundar ka at magtipid pag may pagkakataon dahil iyan mismo ang pag-asa mo para makakangat sa buhay. Makakapagpundar ka ng bahay at lupa. Bukod sa No. 8, hawak mo rin ang mahiwagang No. 9 na nagsasabi na matutupad ang marami mong pangarap sa gitna ng mga balakip.

May naghihintay na magandang kapalaran sa taon 2020 at 2021 kung saan mapapasakamay mo ang isang pangarap na nais mong matupad. Buenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Setyembre lalo na sa mga petsang 2, 7, 11, 17, 23, 26, at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Martes at Biyernes. Kulay itim at pula ang buenas.Sa lotto, pumulot ka sa 3, 8, 11, 18, 23, 26, 34, 36, at 40.

ASSET tips: 4-7-1/ 71-2/ 2-6-8/ 1-210.Wiretips: 6-8-1/ 3-4-7/ 7-8-1/ 2-4-10. Double digit: 5-8/ 1-5/ 8-2/ 1-2/ Luzon guide: 4-7-11-1922-29-34-38-40-42. VisMin: 3-6-11-18-23-2734-38-40-42. MegaLotto; 4-7-11-19-23-27-34-3840-42.GrandLotto: 6-711-19-23-24-34-46-5055. Four Number: 4-5-71/ 1-3-7-8/ 8-2-3-1/ 8-92-1.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.