Unang bagyo ng taon nagbabanta

Bandera (Visayas) - - News - —Leifbilly Begas

POSIBLENG maging bagyo ang binabantayang low pressure area ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Sa Huwebes o Biyernes ay inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility ang LPA.

Kahapon ay nasa layo itong 3,640 kilometro sa silangan ng Mindanao.

Ang buntot ng LPA ay magdadala ng maulap na kalangitan na magpapaulan sa Mindanao.

“The trough of the LPA outside the PAR, will bring moderate to heavy rains over the provinces of Agusan del Sur, Surigao del Sur, Davao del Norte, Compostella Valley, Davao Oriental and Davao del Sur including Davao City,” saad ng Pagasa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.