'Ninang' ng adik timbog

Bandera (Visayas) - - News -

SHOOT sa kulungan ang tinaguriang "ninang" ng mga adik sa Quezon sa buy-bust operation sa Tayabas City, kamakalawa, ayon sa pulisya.

Nasakote si Khadija Fabre, 48, kasama ang umano'y pusher na si Japeth Viñas, 23, sa operasyon ng pulisya sa Sumilang Subd., Brgy. Mateuna alas-5 ng hapon, ayon kay Senior Supt. Osmundo de Guzman, Quezon police director.

Nakumpiska sa mga suspek ang 12 sachet ng shabu na tumitimbang ng 1.7 gramo at nagkakahalaga ng P52,650.

Napag-alaman na ikinanta ang mga suspek ng mga dati nilang kliyente na sumuko sa otoridad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.