Enforcer bugbog sa tsuper

Bandera (Visayas) - - News - — Liza Soriano

DUMANAS ng pananakit mula sa isang bus driver ang isang enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon ng umaga sa Edsa.

Sinita ni MMDA Traffic Constable Jonathan Baingan ang driver ng Ismael Bus Line na si Ronald Gonzaga dahil sa traffic violation.

Naganap ang insidente sa EDSA Southbound lane sa Boni Avenue, Mandaluyong City.

Sinita umano ni Baingan ang minamanehong bus ni Gonzaga dahil nagpasakay at nagpababa umano ito sa hindi itinalagang loading at unloading area sa naturang lugar.

Tangkang tatakas sana si Gonzaga nang akma nitong paaandarin ang minamanehong bus, dahilan upang tapikin ang likuran ng bus ng nabanggit na traffic enforcer.

Bumaba ang driver at dinibdiban ang enforcer bagay na nakaagaw ng atensiyon sa ilang MMDA enforcers.

Dinala sa Manadaluyong City Police Traffic Sector ang driver dahil sa pananakit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.