Grab driver dakma sa drugs

Bandera (Visayas) - - News - —Inquirer.net

ARESTADO ang isang driver ng Grab sa isinagawang buy bust operation sa Mandaluyong City kamakalawa.

Kinilala ng Mandaluyong City Police Station (CPS) ang suspek na si Ricardo Alberio, 46, ng Brgy. Mauway.

Naaresto si Alberio ng mga operatiba mula sa Station Drug Enforcement Agency (SDEU) sa isinagawang buy-bust operation sa kahabaan ng Blk. 6 ng Brgy. Mauway sa Mandaluyong City ganap na alas-5 ng umaga.

Sinabi ng pulisya na kabilang si Alberio sa bagong listahan ng mga user/pusher watchlist sa Mandaluyong City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.