Sinaksak sa selos

Bandera (Visayas) - - News - — Liza Soriano

SELOS ang isa sa mga motibong tinitingnan kung bakit sinaksak at napatay ang water delivery boy sa Parañaque City nitong Linggo.

Nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang biktimang si Jino Aras, 28.

Hindi na ito umabot nang buhay sa ospital matapos masaksak ng suspek na si Judy De Leon, 42, alas-9:30 ng gabi sa panulukan ng Scholastica at Santa Maria Sts., Bgy. San Antonio, Paranaque City.

Sinasabing ang kinakasama ng biktima ay dating live in partner ng suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.