NANAY NI SINGER-ACTRESS NAGSAWA NA SA PAGBABANTAY SA ANAK, MAY BAGONG RAKET

Anak ni Jolo binatilyo na, malaki ang naitulong kay Bong

Bandera (Visayas) - - News - BY CRISTY FERMIN

PURING-PURI ng kanyang mga katrabaho ang isang sikat na female personality dahil sa sobra niyang kabaitan.

Madalas nilang masaksihan kung paano siya tratuhin ng kanyang ina pero walang kahit anong negatibong reaksiyon ang sikat na singer-actress tungkol du’n.

Siya na ang mayhawak ng trono bilang pinakamabait na anak para sa lahat, wala nang kulang para maipagpagawa siya ng monumento ng kabaitan, walang makaaagaw sa kanya ng titulo.

Kuwento ng aming source, “Alam n’yo naman kung gaano kahigpit ang mudra ng girl, di ba? Nu’ng magkasama pa sila sa isang musical show ng isang young actor na ayaw ng parents niya para sa kanya, e, bantay-sarado talaga siya!

“Kung saan nandu’n ang singer-actress, e, nandu’n din ang nanay niya. Hindi lumalabas ng dressing room si mommy habang nagpapaayos siya, talagang binabantayan siya dahil baka makasingit ang young actor na ayaw nila ng mister niya!

“Nasa backstage ang girl, naghihintay na tawagin ng host ang name niya para pumagitna na siya sa stage. Nandu’n din si mommy, nakabantay sa kanya, baka raw kasi biglang lumapit sa kanya ang young actor na talagang kontrang-kontra sila para sa girl,” natatawang kuwento ng aming chikadorang impormante.

Pero ngayon ay kampante na si mommy, mukhang wala na silang pagkontra sa boyfriend ng singer-actress, tapos na sa pagbabantay si mudra sa kanyang anak.

“Nu’ng una, e, ganu’n pa rin si mudra, nakabuntot siya palagi sa anak niya, kasi nga, hindi pa nila masyadong kilala ang guy na nanliligaw sa anak niya. Pero nu’ng magtagal-tagal na, e, okey na si mommy, hindi na niya masyadong ginuguwardiyahan ang anak niya.

“Kumportable na siya, kaya kapag nasa dressing room ang girl, nag-iikot naman si mudra sa dressing rooms ng mga artista, nagbebenta siya ng kung anik-anik. May ibinebenta siyang chicharon, may mga puto, ang dami-dami niyang itinitinda!

“Ganu’n sila ng mister niya kapag ayaw nila sa nakikipag-close sa anak nila, talagang para silang point guard sa pagbabantay, saradung-sarado ang pagbabantay nila!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong wala kayong upuan ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan. Napakaliit pa nu’n ni Gab, ang anak nina ViceGovernor Jolo Revilla at Grace Adriano, pero ikinakampanya na niya si Bong Revilla sa unang pagtakbo ng kanyang lolo bilang senador.

Tandang-tanda pa namin, kasama namin si Gab habang bumibili ng gamot ang kanyang Lola Osang sa isang malaking drugstore, kinalabit niya ang lalaking nakatayo at saka niya kinausap.

Sabi ni Gab, “Iboto n’yo

po ang lolo ko, ha? Number 8 po siya sa listahan, si Bong Revilla!” Tuwang-tuwa kay Gab ang mga nilalapitan niya para hingan ng boto.

Nag-number one si Senador Bong Revilla, nakatulong sa milyun-milyang on nitong boto ang panggangampanya ni Gab na nu’ng makita na amin uli pagkatapos nang ilang taon ay binatilyo na.

Sa PNP Custodial Cennakikita, ter namin siya nakakita.

sumasama siya sa kanyang ama sa pagdalaw sa kanyang lolo, napakasipag na bata ni Gab at plakado ang kanyang itsura sa mga Revilla.

Nagwawalis siya sa paligid, nagtatapon ng mga basura, tumutulong din siya kay Vice-Governor Jolo sa paglilinis ng kuwarto ni Senador Bong.

Ngayon ay sumasama na si Gab sa caravan ni Senador Bong sa iba-ibang malalayong probinsiya para magpasalamat sa mga kababayan nating buung-buo pa rin ang tiwala at suporta sa kanya.

Tuwang-tuwa si Gab Revilla sa kanilang mga biyahe, todo pa rin ang pagkampanya niya sa kanyang lolo, hindi na ‘yun bago sa guwapong bagets dahil maliit pa lang siya ay talagang isinusulong na niya ang kandidatura ni Senador Bong Revilla.

JOLO, GAB AT BONG REVILLA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.