‘LUPANG HINIRANG’ VERSION NG TNT BOYS INOKRAY SA PBA OPENING

‘It’s okay friends, we’ll be better next time!’

Bandera (Visayas) - - News -

MARAMI man ang nangokray sa pagkanta ng TNT Boys sa Pambansang Awit ng Pilipinas, may mga nagtanggol din naman sa kanila sa social media.

Sina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto at Francis Concepcion ng TNT Boys ang naatasang kumanta ng "Lupang Hinirang" sa opening ceremony ng Philippine Basketball Association (PBA) 44th season na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan last Sunday.

Ayon sa ilang mga nakapanood ng nasabing PBA event, hindi masyadong impressive ang performance ng tatlong bagets. Sey ni @iamgracielannn, "Anyare sa TNT Boys? Di nila alam kinakanta nila? o kinakabahan?"

Komento naman ni @pucherrific, "TNT Boys had a hard time finishing smoothly the invocation song. Anyare?"

Agad namang ipinagtanggol ng ilang fans ang TNT Boys. Pahayag ng isang netizen, "Sobrang nakakaproud silang tatlo. Yung may technical issue, yung mic ni Francis di gumagana sa umpisa, kuya Mackie pinagpapalit nya mic nila kapag turn na ni Francis, tapos makikita mong nagtutulongan talaga sila. Nakakaiyak sa sobrang proud at saya!"

"Oo napiyok si bunso kanina. O, e ano naman? Hindi naman nasusukat ang galing sa pagbirit lang try n’yong pakinggan mabuti yung blending yung runs yung puso nila sa pagkanta. Hindi yung nakafocus kayo kung saan pwede silang magkamali."

Sa pamamagitan ng kanilang official Twitter account, nag-post ng mensahe ang grupo bilang sagot sa lahat ng bashers. Anila, "Hey it’s okay friends! We practiced for this event. But we did what we were asked for the invocation last minute. We’re reading all your suggestions and we’ll be better next time! Much love." ang isang babae na nasa studio audience sa nakaraang episode ng Wowowin.

Kinusap siya ng TV host-comedian bago simulan ang "Hep Hep Hooray" segment ng programa at sinabi nga nito na iniwan lang niya ang kanyang apat na buwang anak para lang makapanood nang live sa Wowowin.

Sabi sa kanya ni Willie, “Anak mo ang intindihin mo,” sabay abot ng pera. Binigyan din siya ng jacket, cellphone at iba gift packs.

Bago pauwiin, pinayuhan muna siya ni Willie, “Hindi tama 'yung iwan 'yung anak niyo na walang kinakain. Hindi tama 'yun. Pabayaan n’yo na siyang umuwi, ah. Eh 'yung anak nito hindi pa dumedede. Mag-isip kayo, hindi ba kayo nanay? Umuwi ka na.”

TNT BOYS

WILLIE REVILLAME

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.